Barangay 6 - Carmona,Cavite

Barangay 6 - Carmona,Cavite This page is about all the activities and programs done by the Barangay 6 Officials.

Magandang araw po sa aming Kabarangay sa mga may nais pong kumuha ng Advance copy/ Duplicate ng kanilang National I.D. I...
14/03/2023

Magandang araw po sa aming Kabarangay sa mga may nais pong kumuha ng Advance copy/ Duplicate ng kanilang National I.D. Ito po ay gaganapin sa March 15,2023 sa ganap na ika- 9:00 am to 4:00 pm sa ating Barangay hall 6.Bring your transaction slip & Valid I.D.Maraming Salamat po!

02/03/2023

PURPLE WEDNESDAYS! ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ

Make this your Wednesday habit this month of March!

Maki-isa sa Purple Wednesdays bilang suporta sa karapatan ng mga kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian. Wear anything purple sa lahat ng Miyerkules sa Buwan ng Marso, lalo na sa International Womenโ€™s Day on March 8.

Maaari rin kayong mag-picture at mag-post gamit ang mga hashtags na and !

Happy National Womens Month! ๐Ÿ’œ

22/02/2023

BATA, VIP KA SA CARMONA

Para sa mga beneficiaries ng Bata, VIP Ka sa Carmona Vaccination Incentive Program mula sa Carmona National High School, maaari niyo nang makuha ang inyong cash incentive mula sa Pamahalaang Bayan ng Carmona BUKAS, PEBRERO 23, 2023, 1:00 PM, sa CNHS Covered Court.

Siguraduhin lamang na dumating nang mas maaga sa nakatakdang oras. Maari pong mag-claim ang mismong estudyante o ang kanilang mga magulang. Para sa mga magulang, huwag kalimutang dalhin ang VACCINATION CARD at ID ng inyong mga anak upang makapag-claim.

Para malaman kung ang inyong anak ay kabilang sa mga beneficiaries, pumunta lamang sa link na ito: https://bit.ly/BataVIPKa_CNHS

Abangan lamang po ang mga susunod na anunsyo para sa mga schedule ng distribution para sa iba pang mga schools.

Bata, VIP ka sa Carmona!

20/02/2023

SUMALI SA ATING OFFICIAL CARMONA HISTORY FACEBOOK GROUP!

Magbahagi ng inyong mga naitatagong historical photos, stories, at documents upang ating ma-preserba at mabalangkas ang kasaysayan ng Carmona.

Maging bahagi ng kasaysayan! Magtungo sa link na ito para makasali sa ating public group: https://www.facebook.com/groups/carmonahistoryofficial/

Happy 166th Founding Anniversary, Bayan ng Carmona!

Magandang araw po kung sino po ang nag mamay - ari ng ID na to at kung sino po nakakakilala sa kanya pasabi na nasa Bara...
17/02/2023

Magandang araw po kung sino po ang nag mamay - ari ng ID na to at kung sino po nakakakilala sa kanya pasabi na nasa Barangayhall ng 6 niya kunin ito ay napulot ni Danny Sy sa may LTO Mabuhay. Maraming Salamat po!

07/01/2023

BUSINESS ONE-STOP SHOP/BOSS ADVISORY

Pinapaalalahanan ang lahat ng establisyimento na ang APPLICATION at RENEWAL ng BUSINESS PERMIT sa pamamagitan ng Business One Stop Shop o BOSS ay hanggang ENERO 20, 2023 na lamang. Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Office of the Municipal Treasurer sa (046) 430-3007.

Iwasan ang Multa, Magbayad ng Maaga.
Isang paalala mula kay Mayor Dahlia A. Loyola at Tanggapan ng Ingat-Yaman.

20/12/2022

COMMUNITY CULTURAL PRESENTATION NG CARMONA SA DISYEMBRE 23

Sama-samang makisayaw at makikanta sa pagdiriwang natin ngayong Kapaskuhan!
Saksihan ang mga inihandang yuletide performances ng ibaโ€™t-ibang grupo at civil society organizations sa ating Bayan sa isasagawang COMMUNITY CULTURAL PRESENTATION sa DISYEMBRE 23, 2022, BIYERNES sa CARMONA TOWN PLAZA.

Ang Community Cultural Presentation ay BUKAS SA LAHAT at FREE ENTRANCE.

See you po at sama-sama tayong magsaya sa Pasko sa Maunlad na Carmona!

20/12/2022
02/12/2020

Attention! Mga Kabarangay sa darating na December 7,2020 Implementation of Road Clearing No Parking Both side.Ang Kautusan po ay nagmula sa DILG. Hinihiling po namin ang inyong pakikiisa at pang unawa.Maraming Salamat po!

29/11/2020
Ipinababatid ng Lokal na Pamahalaan ng Carmona ang mga sumusunod na update sa ating Community Quarantine Guidelines:1.) ...
22/10/2020

Ipinababatid ng Lokal na Pamahalaan ng Carmona ang mga sumusunod na update sa ating Community Quarantine Guidelines:

1.) Maaari nang lumabas ang mga 18 to 65 YEARS OLD. Ito ay sa kadahilanang binigyan ang bawat local government unit ng awtoridad na itaas ang naunang inirekomendang edad ng mga maaring lumabas mula sa 15 years old. Ito ay inaprubahan ng Office of the Provincial Governor.

LAHAT ay KINAKAILANGANG mayroong Carmona Digital Contact Tracer App na gagamitin sa bawat establisyimento na pupuntahan at mga taong makakasalamuha alinsunod sa
Municipal Ordinance 09-2020 (http://bit.ly/CarmonaMunicipalOrdinance09-2020).

Para sa android, i-download ang Carmona Digital Contact Tracer App sa: https://www.apkfiles.com/apk-605407/digital-contact-tracer-metro-manila

Para naman sa iOS, hanapin ang "Digital Contact Tracer PH" sa App Store.

Maaari pa ring dalhin ang inyong Quarantine Pass na may QR Code o kaya naman ay I.D. na magpapatunay sa edad.

2.) Ang ating CURFEW HOURS ay mananatili mula 9:00PM hanggang 4:00AM.

Para sa Authorized Persons Outside Residence (APOR), lagi pa ring magdala ng Company I.D. o Certificate of Emloyment.

3.) Ang Karaoke/Videoke ay mula 5:00 PM hanggang 8:00 PM lamang.

4.) Patuloy na nag-iissue ng Transit Pass ang lokal na pamahalaan at Travel Authority ang PNP-Carmona para sa mga nagnanais bumyahe palabas ng lalawigan ng Cavite at Locally Stranded Individuals (LSIs).

Upang makakuha ng mga nasabing pass, mag-apply lamang sa mga sumusunod na link:
- http://bit.ly/CarmonaTransitPass
- http://bit.ly/PNPTravelAuthority

Pinaaalalahanan ang lahat na patuloy na sumunod sa mga alituntunin ng MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE at maging updated lamang mula sa verified and credible sources tulad ng World Health Organization, Department of Health at Municipal Government of Carmona.

21/10/2020

Address

Magallanes Street
Carmona
4116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 6 - Carmona,Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share