Mayor Minez “EM” Hamor

Mayor Minez “EM” Hamor Epektibo Magaling

HAPPY BIRTHDAY AND HAPPY RETIREMENT, MA’AM EDITH! Maraming salamat, Ma’am Edith, sa mga taon ng tapat, maalaga, at buong...
05/09/2026

HAPPY BIRTHDAY AND HAPPY RETIREMENT, MA’AM EDITH!

Maraming salamat, Ma’am Edith, sa mga taon ng tapat, maalaga, at buong pusong paglilingkod sa mga mamamayan ng Casiguran. Ang iyong dedikasyon, malasakit, at kabutihan ay mananatiling inspirasyon sa lahat ng iyong napaglingkuran.

Sa pagpasok mo sa panibagong yugto ng buhay, nawa’y maging puno ito ng kaligayahan, at mga masasayang sandali kasama ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Mananatili kang bahagi ng puso ng bawat Casiguranon.

Muli, Maligayang Kaarawan at Maligayang Pagreretiro, Ma’am Edith! Saludo kami sa iyong serbisyo.

BE WISE. BE SAFE. WE SAVE. !!Napakasaya at makabuluhan ang naging pagtitipon natin kahapon sa Casiguran Gymnasium kasama...
03/09/2026

BE WISE. BE SAFE. WE SAVE. !!

Napakasaya at makabuluhan ang naging pagtitipon natin kahapon sa Casiguran Gymnasium kasama ang ating mga kabataan at kanilang mga magulang mula sa ibat ibang paaralan sa sekondarya sa ating bayan.

Taos-puso akong nagpapasalamat kay Governor Boboy Hamor sa pagdadala sa Casiguran ng “Be Wise, Be Safe, We Save” initiative sa ilalim ng Katrangkiluhan Program. Napakahalaga ng ganitong programa dahil hindi lamang ito tungkol sa pagbibigay ng kaalaman, kundi tungkol sa paggabay sa ating mga kabataan na gumawa ng tama, maging responsable, disiplinado, at higit sa lahat, matutong rumespeto at magmalasakit sa kapwa.

Bilang punong bayan, isa sa mga bagay na talagang nais kong bigyang-pansin ay ang bullying. Sana matutunan nating maging mabuti sa isa’t isa. Walang lugar ang pang-aapi sa ating mga paaralan at komunidad. Sa simpleng respeto, kabutihan at malasakit, malaki na ang maitutulong natin sa buhay ng iba.

At sa ating mga kabataan, lagi kong sinasabi: “Kayo lang naman ang papalit sa amin.” Kayo ang magiging susunod na mga lider, g**o, doktor, abogado, kawani at mga taong maglilingkod sa ating bayan. Kaya habang maaga, piliin ninyo ang tama, pangalagaan ang inyong sarili at pahalagahan ang inyong kinabukasan.

Maraming salamat sa ating mga School Heads, teachers, parents, DepEd, Public Attorney’s Office, Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Dennis Escudero, Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Jun Jun Escudero, mga Provincial Department Heads, Lgu Department heads at sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang programang ito.

Para sa ating mga kabataan, patuloy kaming nandito upang gumabay, sumuporta at maglingkod.

Sulong Sidlak Casiguran

Ngayong araw, nakasama po  natin ang mga driver at parapasada, kung saan naipamahagi po natin ang libreng gulong sa ilal...
02/09/2026

Ngayong araw, nakasama po natin ang mga driver at parapasada, kung saan naipamahagi po natin ang libreng gulong sa ilalim ng 7K Kabuhayan Program, katuwang ang LGU Casiguran.

Bawat kwalipikadong benepisyaryo ay tumanggap ng dalawang gulong—malaking tulong upang mabawasan ang kanilang gastusin at maipagpatuloy ang kanilang paghahanapbuhay.

Maraming salamat kay Governor Boboy Hamor, sa program Manager - Dra. Maria Teresa Valenzuela Destura, at sa buong 7K Kabuhayan Program sa patuloy na pag-alalay sa ating mga kababayan.

Kasama rin po natin ang miyembro ng Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Vice Mayor Dennis Escudero na patuloy po na sumusuporta sa mga programa.

Sulong Sidlak Casiguran

Congratulations to our Officiated Wedding Today : 💐Mr. & Mrs. 🤵‍♂👰‍♂💍- Jobert Marticio Lonceras- Khristine Mae DiazNawa'...
02/09/2026

Congratulations to our Officiated Wedding Today : 💐
Mr. & Mrs. 🤵‍♂👰‍♂💍
- Jobert Marticio Lonceras
- Khristine Mae Diaz

Nawa'y maging matatag ang inyong pagsasama at magkaroon ng masayang pamilya. Goodluck and Best Wishes!

Sulong Sidlak Casiguran

MALIGAYANG PAGGUNITA NG ARAW NG MGA BAYANI!!Sa araw na ito, ating ginugunita at pinararangalan ang mga bayaning nag-alay...
31/08/2026

MALIGAYANG PAGGUNITA NG ARAW NG MGA BAYANI!!

Sa araw na ito, ating ginugunita at pinararangalan ang mga bayaning nag-alay ng buhay para sa ating kalayaan, gayundin ang mga makabagong bayani na patuloy na nagsisilbi at nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at kapwa.

Ang tunay na kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa malalaking sakripisyo, kundi sa araw-araw na paggawa ng tama, pagtulong sa kapwa, at tapat na paglilingkod sa bayan.

Mabuhay ang ating mga Bayani!

Sulong Sidlak Casiguran

HAPPY BIRTHDAY 🎂🎉Jerry E. Habig, Executive Assistant II​Nawa'y maging masaya at puno ng pagpapala ang iyong espesyal na ...
30/08/2026

HAPPY BIRTHDAY 🎂🎉
Jerry E. Habig, Executive Assistant II

​Nawa'y maging masaya at puno ng pagpapala ang iyong espesyal na araw. Maraming salamat sa iyong dedikasyon, sipag, at tapat na paglilingkod sa ating bayan ng Casiguran. Nawa ay patuloy kang gabayan at pagpalain ng ating Panginoon!

​Again, Happy Birthday and enjoy your special day!

​Sulong Sidlak Casiguran

Isang malaking tulong para sa ating 25 barangay ang natanggap na ₱200,000 bawat barangay mula sa Bawat Barangay Makikina...
29/08/2026

Isang malaking tulong para sa ating 25 barangay ang natanggap na ₱200,000 bawat barangay mula sa Bawat Barangay Makikinabang (BBM) Program ng ating Mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa isinagawang turnover noong August 27, 2026, tinanggap ng mga Punong Barangay kasama ang kanilang mga Barangay Treasurer ang nasabing pondo, na hahatiin sa dalawang pangunahing bahagi:

📚 ₱100,000 – Educational Assistance
Limang (5) benepisyaryo ang makatatanggap ng tig-₱20,000 para sa kanilang pag-aaral.

🏗️ ₱100,000 – Priority Projects
Ilalaan naman para sa mga proyektong tutugon sa pangangailangan at prayoridad ng bawat barangay.

Bukod dito, nakatanggap din ang bawat barangay ng ₱1,000 LGU Aid to Barangay bilang karagdagang suporta mula sa ating Pamahalaang Bayan.

Malaking bagay ang pondong ito para sa ating mga kabataan at sa pagpapatupad ng mga proyektong direktang makatutulong sa ating mga barangay.

Maraming salamat sa ating Mahal na Pangulo! Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na suporta sa mga barangay at sa lahat ng bayan.

Sa ilalim ng ating administrasyon, sisikapin nating matiyak na ang bawat tulong at pondong ipinagkakaloob ay maayos, responsable, at transparent na magagamit para sa kapakinabangan ng ating mga mamamayan.

Sulong Sidlak Casiguran

Happy Birthday Hon. Bryan D. Despuig, SK Chairperson ng Barangay Mabini.🎂🎉Nawa’y maging puno ng saya at mabuting kalusug...
28/08/2026

Happy Birthday Hon. Bryan D. Despuig, SK Chairperson ng Barangay Mabini.🎂🎉

Nawa’y maging puno ng saya at mabuting kalusugan ang iyong espesyal na araw. Maraming salamat sa iyong dedikasyon at masigasig na paglilingkod sa kabataan ng Barangay Mabini.

Muli, Maligayang Kaarawan at Enjoy your Day!!

Bawat hakbang ay may layunin, bawat pagod ay may katumbas na pag-asa. Sa sama-samang paglalakad para sa kapakanan ng ati...
23/08/2026

Bawat hakbang ay may layunin, bawat pagod ay may katumbas na pag-asa. Sa sama-samang paglalakad para sa kapakanan ng ating mga kabataan, ipinakita natin na ang tunay na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaisa, malasakit, at pagkilos.

Tayo po ay nakiisa sa Alay Lakad 2026 na inorganisa ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ma’am Editha Huet, kasama ang mga empleyado ng LGU, mga masisipag na Barangay Officials, Casiguran Deped District, Philippine Army, PNP, BFP at sa lahat ng stakeholders.

Ang bawat kilometrong ating nilakad ay simbolo ng ating suporta at malasakit sa ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito ng ating lokal na pamahalaan at ng mga namumuno sa bawat barangay, muli nating pinatunayan na walang hakbang na nasasayang kapag ito ay para sa kinabukasan ng ating bayan.

Ang Alay Lakad ay higit pa sa simpleng paglalakad. Ito ay isang pagpapakita ng ating sama-samang paninindigan na patuloy na maglingkod, umalalay, at magbigay ng pagkakataon sa bawat kabataan na magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng makabuluhang kaganapang ito.

Sulong Sidlak Casiguran

Isang makabuluhang paggunita sa Araw ni Ninoy Aquino.Patuloy nating isabuhay ang kanyang pagmamahal sa bayan, paninindig...
21/08/2026

Isang makabuluhang paggunita sa Araw ni Ninoy Aquino.

Patuloy nating isabuhay ang kanyang pagmamahal sa bayan, paninindigan sa katotohanan, at malasakit sa kapwa. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang kabayanihan upang patuloy tayong magkaisa at maglingkod para sa mas maliwanag na kinabukasan ng Pilipinas.

Mabuhay ang diwa ng paglilingkod at pagmamahal sa bayan!

Address

Casiguran, Sorsogon
Casiguran
4702

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Minez “EM” Hamor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mayor Minez “EM” Hamor:

Shortcuts

Share