Casiguran Municipal Information Office

Casiguran Municipal Information Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Casiguran Municipal Information Office, Public & Government Service, Jb. Alegre Street/Central, Sorsogon, Casiguran.

LGU-Casiguran, Sorsogon

📌This page is intended for disseminating information regarding Local Government Programs & Activities to Enhance Public Awareness, maintaining media relations, supporting data-driven policy decisions & correcting misinformation.

Agusto 13, 2026LGU CASIGURAN IN ACTION!!TINGNAN: || 2-DAY TRAINING ON MUSHROOM PRODUCTION, ISINAGAWA SA CASIGURANSa patu...
13/08/2026

Agusto 13, 2026

LGU CASIGURAN IN ACTION!!

TINGNAN: || 2-DAY TRAINING ON MUSHROOM PRODUCTION, ISINAGAWA SA CASIGURAN

Sa patuloy na pagsusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Casiguran sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO), isinagawa ang 2-Day Training on Mushroom Production sa pangunguna ni Mr. Nikko Leo Derpo.

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga kalahok ng dagdag na kaalaman at praktikal na kasanayan sa produksyon ng kabute bilang isang alternatibong livelihood opportunity at potensyal na pagkakakitaan.

Kabilang sa mga lumahok ang mga School Heads, mga selected teachers ng DepEd, mga kinatawan ng kooperatiba at mga asosasyon, at mga mag-aaral.

Naging resource speaker naman si Ms. Karen Joy G. Evasco, Research Assistant ng Sorsogon Dairy Production and Technology Center, na nagbahagi ng kanyang kaalaman at karanasan sa tamang proseso at pamamaraan ng mushroom production.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaan ng Casiguran ang mga inisyatibang naglalayong palakasin ang kaalaman, kasanayan, at kabuhayan ng mga Casiguranon, habang hinihikayat ang mga paaralan, organisasyon, at komunidad na tuklasin ang mga makabago at sustainable na oportunidad sa agrikultura.

Agusto 13, 2026LGU CASIGURAN IN ACTION!!TINGNAN: || LGU CASIGURAN, NAGSAGAWA NG EXECUTIVE BRIEFING SA OPERATION SUMMARY ...
13/08/2026

Agusto 13, 2026

LGU CASIGURAN IN ACTION!!

TINGNAN: || LGU CASIGURAN, NAGSAGAWA NG EXECUTIVE BRIEFING SA OPERATION SUMMARY REPORT!

Pinangunahan ni Ms. Lowel Brizuela, DILG Apprentice, ang Executive Briefing Presentation of the LGU Operation Summary Report, bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri, pagtataya, at pagpapahusay sa pagpapatupad ng mga programa, serbisyo, at operasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Casiguran.

Sa nasabing presentasyon, tinalakay ang mahahalagang resulta ng operasyon ng bawat tanggapan, kabilang ang kanilang mga kalakasan (strengths) at mga kahinaan o aspeto na nangangailangan ng pagpapabuti (weaknesses). Layunin nitong matukoy ang mga dapat ipagpatuloy, pagbutihin, at palakasin sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng LGU.

Nagsimula ang aktibidad sa isang panalangin, na sinundan ng masusing presentasyon at talakayan hinggil sa mga pangunahing resulta, obserbasyon, at mahahalagang punto na nakapaloob sa LGU Operation Summary Report.

Dinaluhan ito ng mga Department Heads ng LGU, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, na aktibong nakibahagi sa talakayan at pagsusuri. Ipinakita naman ni Mayor Minez Hamor ang kanyang buong suporta sa naturang inisyatiba, bilang bahagi ng kanyang pagsusulong ng mas mahusay, episyente, at responsableng pamamahala para sa mga Casiguranon.

Kaisa rin sa aktibidad si DILG Officer Sir Leonard Champ Navarro, na nakibahagi sa proseso ng pagsusuri at sa pagpapalakas ng koordinasyon at pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Bilang pagtatapos ng aktibidad, isinagawa ang Pledge of Commitment, kung saan ang bawat kalahok ay nagpahayag ng kanilang pangako na patuloy na maglilingkod nang may integridad, pananagutan, dedikasyon, at malasakit para sa kapakanan ng bawat Casiguranon.

Ang naturang executive briefing ay nagsisilbing mahalagang hakbang tungo sa mas mahusay na pamamahala, mas matibay na koordinasyon, at patuloy na pagpapahusay ng mga programa at serbisyo ng LGU—para sa isang mas episiyente, accountable, at people-centered na serbisyo publiko para sa lahat ng Casiguranon.

Agusto 13, 2026LGU CASIGURAN IN ACTION!!TINGNAN: || GOVERNOR BOBOY HAMOR, MULING PINULONG ANG APAT NA ALKALDE PARA SA PA...
13/08/2026

Agusto 13, 2026

LGU CASIGURAN IN ACTION!!

TINGNAN: || GOVERNOR BOBOY HAMOR, MULING PINULONG ANG APAT NA ALKALDE PARA SA PAGHAHANDA SA PALARONG BICOL 2027

SORSOGON — Muling pinulong ni Governor Boboy ang mga alkalde ng apat na bayan bilang bahagi ng puspusang paghahanda ng Provincial Government of Sorsogon, katuwang ang Department of Education (DepEd), para sa pagho-host ng Palarong Bicol 2027 na nakatakdang ganapin ngayong Pebrero.

Kabilang sa mga bayan na gagamitin ang mga pasilidad para sa iba’t ibang sporting events ang Casiguran, Irosin, Juban, at Gubat.

Isa sa mga pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang kalagayan ng mga pasilidad na gagamitin sa palaro, kabilang ang mga kinakailangang pagkukumpuni, pagsasaayos, at paghahanda ng mga venue upang matiyak ang kanilang kahandaan at kaligtasan para sa mga atleta, coaches, officials, at delegates.

Pinag-usapan din ang pagpapalakas ng koordinasyon at pagtutulungan ng Provincial Government, DepEd, at mga Municipal Government ng Casiguran, Irosin, Juban, at Gubat upang maisakatuparan ang mga kinakailangang paghahanda.

Buong suporta naman ang ipinakita ni Mayor EM Hamor ng Casiguran sa paghahanda ng lalawigan para sa Palarong Bicol 2027, partikular sa mga kinakailangang pagsasaayos ng mga pasilidad na gagamitin sa mga palaro.

Tiniyak ng Kapitolyo ang patuloy na suporta sa mga host municipalities upang maisagawa ang mga kinakailangang improvement sa mga venue at iba pang pasilidad.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng Provincial Government, DepEd, at mga host municipalities, patuloy ang paghahanda upang maging maayos, ligtas, at matagumpay ang pagdaraos ng Palarong Bicol 2027 sa Probinsya ng Sorsogon.

Agusto 11, 2026LGU CASIGURAN IN ACTION!!BARANGAY OFFICIALS, DINALUHAN ANG ORIENTATION SA JUVENILE JUSTICE MONITORING INF...
11/08/2026

Agusto 11, 2026

LGU CASIGURAN IN ACTION!!

BARANGAY OFFICIALS, DINALUHAN ANG ORIENTATION SA JUVENILE JUSTICE MONITORING INFORMATION SYSTEM

Isinagawa sa Mayor’s Conference Hall ang Orientation on Juvenile Justice Monitoring Information System na nilahukan ng mga barangay officials at barangay secretaries mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Layunin ng orientation na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa Juvenile Justice Monitoring Information System, gayundin ang mga estratehiya at wastong proseso sa monitoring, documentation, at pagtugon sa mga usaping may kaugnayan sa mga kabataan.

Nakiisa sa nasabing aktibidad si Mayor Minez Hamor, na nagpaabot ng mensahe sa mga participants at binigyang-diin ang kahalagahan ng aktibong pakikiisa ng mga barangay sa mga programa para sa proteksyon, kapakanan, at kinabukasan ng mga kabataan.

Inorganisa ang aktibidad ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Ms. Editha Huet, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na palakasin ang kakayahan ng mga barangay sa pagpapatupad ng mga programang may kaugnayan sa juvenile justice at child protection.

Naging resource speaker naman si Mr. Adrian Bodopol, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon, gabay, at praktikal na kaalaman tungkol sa paggamit at kahalagahan ng Juvenile Justice Monitoring Information System.

Sa pagtatapos ng orientation, nag-uwi ang mga kalahok ng dagdag na kaalaman at kasanayan na maaari nilang gamitin sa kanilang mga barangay, partikular sa monitoring, documentation, at pagbuo ng mga angkop na hakbang para sa mga kabataang nangangailangan ng gabay at suporta.

Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Casiguran ang mga programang naglalayong mapalakas ang ugnayan ng municipal government at mga barangay para sa mas epektibong serbisyo at mas ligtas at maayos na kinabukasan ng mga kabataan.

Agusto 11, 2026LGU CASIGURAN IN ACTION!!TINGNAN: || ISANG MALAKING HAKBANG PARA SA KINABUKASAN NG KABATAANG CASIGURANONI...
11/08/2026

Agusto 11, 2026

LGU CASIGURAN IN ACTION!!

TINGNAN: || ISANG MALAKING HAKBANG PARA SA KINABUKASAN NG KABATAANG CASIGURANON

Isang mahalagang hakbang ang isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Casiguran sa pangunguna ni Mayor EM Hamor, kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Dennis Escudero at ang mga Department Heads, sa kanilang pagbisita sa Commission on Higher Education (CHED) Legazpi.

Layunin ng pagbisita na talakayin at higit na maunawaan ang mga kinakailangang proseso, pamantayan, at pangunahing hakbangin para sa pagtatatag ng isang Community College sa Bayan ng Casiguran.

Ang pagkakaroon ng Community College ay isa sa mga pangarap ni Mayor EM Hamor, na hangad na mabigyan ang bawat kabataang Casiguranon ng pagkakataong makapag-aral at makamit ang kanilang mga pangarap nang hindi na kinakailangang lumayo sa kanilang pamilya at sariling bayan.

Naniniwala ang alkalde, na ang edukasyon ay isang mahalagang susi upang mabuksan ang mas maraming oportunidad para sa kabataan. Sa pagkakaroon ng sariling Community College, mas maraming kabataan ang magkakaroon ng pagkakataong makapagpatuloy ng pag-aaral—mas malapit, mas abot-kaya, at mas accessible para sa mga pamilyang Casiguranon.

Hindi lamang ito pagtatayo ng isang paaralan. Ito ay pagtatayo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataan.

Patuloy na kikilos ang Lokal na Pamahalaan ng Casiguran upang maisakatuparan ang pangarap na ito—isang pangarap na ang bawat kabataan ay may pagkakataong makapag-aral, magkaroon ng magandang kinabukasan, at makamit ang kanilang mga mithiin dito mismo sa sariling bayan.

10/08/2026

LGU Casiguran in Action!!

PANOORIN: || ALALAY SA MGA GURANG | SERBISYONG RAMDAM, SERBISYONG MAY PUSO

Tuloy-tuloy ang pagkalinga ng ating Lokal na Pamahalaan ng Casiguran sa ating mga kababayang nangangailangan ng suporta at tulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa pangunguna ni Mayor Minez Hamor, personal na isinagawa ang paghahatid ng limang wheelchair sa ilalim ng programang “Alalay sa mga Gurang.” Ang mga wheelchair ay naihatid kina Tatay Henry Hatid, Tatay Francisco Hapin, Lola Anita Hamto, Tatay Raynaldo Gojar, at Tatay Romeo Mujar upang makatulong sa kanilang pagkilos at mabigyan sila ng higit na ginhawa at kalayaan sa araw-araw.

Maaaring maliit na bagay lamang ang isang wheelchair para sa ilan, ngunit para sa ating mga benepisyaryo, ito ay malaking tulong, at isang konkretong paraan ng pagpaparamdam na sila ay mahalaga at hindi nag-iisa.

Patuloy ang pagkilos, at pagtulong ng lokal na pamahalaan para padagos na pagsulong at pagsidlak ng Casiguran.

07/08/2026

PANOORIN | Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A (MRSIA) 2026

Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Casiguran, katuwang ang Municipal Health Office, at ang Department of Health sa pagpapatupad ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A (MRSIA) 2026.

Kaya naman hinihikayat ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na vaccination site ayon sa itinakdang iskedyul.

Ang pagbabakuna laban sa tigdas at rubella, kasama ang pagbibigay ng Vitamin A, ay libre, ligtas, at epektibo. Mahalaga itong hakbang upang maprotektahan ang kalusugan ng ating mga anak at mapanatiling ligtas ang buong komunidad laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat batang Casiguranon.

📣📢Casiguran❗❗Ipinapaabot ng Land Transportation Office (LTO) Region V – Sorsogon District Office ang mga serbisyo nito s...
05/08/2026

📣📢Casiguran❗❗

Ipinapaabot ng Land Transportation Office (LTO) Region V – Sorsogon District Office ang mga serbisyo nito sa mga mamamayan ng Casiguran sa darating na Agosto 7–8, 2026 sa Casiguran Gymnasium.

📌 Mga Serbisyong Inaalok:
âś… LIBRENG Theoretical Driving Course (TDC);
âś… Pagpapalabas ng mga backlog na plaka ng motorsiklo at traysikel para sa taong 2017 at mas naunang taon;
âś… Pagproseso ng Student Permit;
âś… Pagproseso ng Renewal ng Driver's License;
âś… Motor Vehicle Inspection at Renewal ng Rehistro ng Sasakyan (MV Registration).

Samantalahin ang pagkakataong makapag-avail ng mga serbisyong ito nang hindi na kailangang bumiyahe nang malayo. Magkita-kita tayo sa Casiguran Gymnasium at sama-sama nating panatilihing ligtas at sumusunod sa batas ang ating mga kalsada.

Source: LTO Sorsogon District Office

Agusto 5, 2026LGU CASIGURAN IN ACTION!!Sa patuloy na pagsusulong ng programa ng Mahal na Pangulo ng Pilipinas, Ferdinand...
05/08/2026

Agusto 5, 2026

LGU CASIGURAN IN ACTION!!

Sa patuloy na pagsusulong ng programa ng Mahal na Pangulo ng Pilipinas, Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas: Bawat Bayan Makikinabang, matagumpay na sinimulan ngayong araw ng Lokal na Pamahalaan ng Casiguran ang pamamahagi ng bigas sa 2,897 benepisyaryo sa iba't ibang barangay ng bayan.

Upang maging mas maginhawa para sa mga residente, ang distribusyon ay isinagawa mismo sa bawat barangay upang hindi na nila kailangang bumiyahe at gumastos ng pamasahe. Pinangunahan ni Mayor Minez Hamor ang pamamahagi kasama ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan. Nagpahayag din ng buong suporta ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Dennis Escudero sa matagumpay na pagpapatupad ng nasabing programa.

Ang pamamahaging ito ang unang bugso ng programa. Inaasahang tatanggap ang bawat benepisyaryo ng kabuuang tatlong (3) beses na ayuda sa bigas ngayong taon, na susundan ng distribusyon sa mga buwan ng Setyembre at Nobyembre.

Kitang-kita ang galak at pasasalamat ng mga benepisyaryo sa natanggap na tulong. Naging mahalagang katuwang din ang mga opisyal at kawani ng bawat barangay upang maging maayos, mabilis, at organisado ang pamamahagi.

Lubos ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa national government sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa mga mamamayan. Para sa mga residenteng nabigyan ng ayuda, ang programang ito ay malaking ginhawa at makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang. Patuloy ang pagsulong pagsidlak ng bayan ng Casiguran!!

Agusto 5, 2026LGU Casiguran In Action!!Ikatlong Sesyon ng Seminar sa Pagpapalakas ng Katarungang Pambarangay, Matagumpay...
05/08/2026

Agusto 5, 2026

LGU Casiguran In Action!!

Ikatlong Sesyon ng Seminar sa Pagpapalakas ng Katarungang Pambarangay, Matagumpay na Isinagawa

Matagumpay na isinagawa ang ikatlong sesyon ng seminar para sa pagpapalakas ng Katarungang Pambarangay na dinaluhan ng mga Punong Barangay at tig-iisang miyembro ng Lupon Tagapamayapa mula sa iba't ibang barangay ng bayan ng Casiguran.

Tampok sa sesyon ang Simulation Exercise on the Rules and Procedures of Alternative Dispute Resolution (Mediation and Conciliation) na naglalayong palalimin ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa epektibong paghawak at mapayapang paglutas ng mga alitan sa antas ng barangay.

Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at praktikal na pagsasanay si Cluster Head Joseph Roy Armenta, CESE, ng DILG Sorsogon, bilang resource speaker ng nasabing aktibidad.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Em Hamor ang buong suporta ng Pamahalaang Lokal ng Casiguran sa mga programa ng DILG na nagpapalakas sa Katarungang Pambarangay. Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga Punong Barangay at Lupon Tagapamayapa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga barangay sa pamamagitan ng maayos at mapayapang paglutas ng mga alitan.

Ang seminar ay inorganisa ng DILG Casiguran sa pangunguna ni Leonard Champ Navarro, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng tanggapan na mapaigting ang kakayahan ng mga opisyal ng barangay sa epektibong pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay.

Address

Jb. Alegre Street/Central, Sorsogon
Casiguran
4702

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Casiguran Municipal Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share