Castillejos LVOC

Castillejos LVOC COVID vaccination inquiries and announcements

09/02/2022
09/02/2022
09/02/2022

NATIONAL VACCINATION DAYS (NVD) Part 3
February 10-11, 2022

1. Maliban sa Castillejos National High School na ating main site, magkakaruon po tayo ng mga satellite site:

FEBRUARY 10
📍Brgy. Nagbunga Covered Court
📍Brgy. Balaybay Covered Court
📍Brgy. Magsaysay Covered Court

FEBRUARY 11
📍Brgy. San Pablo Covered Court
📍Fiesta Communities Bayanihan Hall, Del Pilar

2. Siguraduhing dala ang mga angkop na dokumento tulad ng valid ID, birth certificate (12-17yo), medical certificate o reseta.

3. Ihanda ang mga photocopy ng guardian’s/parent’s valid ID, vaccinee’s birth certificate, Authorization Letter (if applicable) para sa 12-17 years old.

4. Huwag kalimutan dalhin ang vaccination card sa mga magpapabakuna ng kanilang 2nd at booster dose.

5. Kung TATLONG (3) BUWAN na ang nakalilipas matapos ang iyong primary series ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac, Sputnik, o pagkatapos ng DALAWANG (2) BUWAN naman para sa Janssen, maaari ka ng tumanggap ng iyong booster shot.

6. Magsuot ng mask, magdala ng tubig, pamaypay, pagkain at sariling ballpen.

7. Maaaring magtungo ng diretso sa ating mga vaccination site kahit hindi nakarehistro o walang text na natanggap.

Para sa mga katanungan, tumawag sa RHU hotline #: +63 938 190 2350.

RESBAKUNA SCHEDULEFebruary 7 to February 11, 2022‼️ Para sa magpapabakuna ng 1ST DOSE AT BOOSTER doses, Magpalista sa mi...
06/02/2022

RESBAKUNA SCHEDULE
February 7 to February 11, 2022

‼️ Para sa magpapabakuna ng 1ST DOSE AT BOOSTER doses, Magpalista sa mismong araw ng pagbabakuna sa Castillejos National High School.

‼️ Para sa mga hindi nakapunta sa kanilang schedule ng IKALAWANG DOSE ng bakuna, makipag-unayan at magpalista sa ating vaccination team. Ang ating team sa mga Barangay ay tatanggap lamang po ng para sa 2nd dose kung makumpleto ang bilang ng magpapabakuna. Dahil ang mga multi-dose vials tulad ng Moderna, AstraZeneca at Pfizer ay kailangang makumpleto muna ang bilang ng magpapabakuna bago magbukas.

‼️ Ang mga magpapagawa ng replacement ng vaccination card ay maaaring magtext muna sa RHU Hotline upang maischedule namin ang araw ng pag pick-up sa iyong card.

‼️Patuloy pa rin ang ating pagpapaalala sa lahat na sumunod sa ating minimum public health standards tulad ng social distancing at palagiang pagsusuot ng face mask at face shield.

Maraming salamat po!

RHU hotline 0938 190 2350

08/09/2021

Magandang gabi po sa lahat.

Nais lamang po namin ipaalam na dahil po sa Bagyong Jolina, ang schedule po ng Bakuna bukas (September 9, 2021) ay HINDI MUNA PO MATUTULOY.

Maghintay na lamang po uli ng aming message pra sa inyong schedule.

Maraming Salamat po sa inyong pang unawa.

Keep Safe po.

Maghintay lamang po ng announcement kung kailan po ang schedule ng ating bakuna kontra Covid. Maraming Salamat po..
16/08/2021

Maghintay lamang po ng announcement kung kailan po ang schedule ng ating bakuna kontra Covid. Maraming Salamat po..

11/08/2021

ADVISORY:

Maulang umaga po sa lahat! Sa lahat ng mga nagfafollow up ng kanilang registration at hindi pa nakatatanggap ng text confirmation, SIGURADUHIN PONG NAKAREHISTRO UNDER A1, A2 or A3 CATEGORY.

Kung kayo po ang nagrehistro under B category o di kaya’y ESSENTIAL WORKERS, hindi pa po talaga kayo makakatanggap ng text sapagkat wala pa pong advise ang probinsya na magmove forward na po tayo sa a4, B or essential workers.

Maraming salamat po!

Address

Castillejos
2208

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm
Friday 7am - 6pm
Saturday 7am - 6pm
Sunday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Castillejos LVOC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share