04/10/2025
๐๐๐ ๐๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐๐ฌ ๐ฆ๐จ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ ๐ฏ๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ ๐จ๐ ๐ญ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐๐ซ๐ฒ, ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ฌ๐๐ ๐ฉ๐ฅ๐๐ญ๐๐ฌ; ๐ฐ๐๐ซ๐ง๐ฌ ๐จ๐ ๐5,000 ๐๐ข๐ง๐
Sa pamumuno ni Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, pinapayuhan ang lahat ng motorista na ang paggamit ng mga pansamantala at โimprovisedโ na plaka ay ipagbabawal simula ๐๐จ๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ 1, 2025.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, wala nang dahilan upang gumamit ng pansamantala o โimprovisedโ na plaka dahil wala nang backlog sa distribusyon ng plaka para sa parehong apat na gulong at motorsiklo.
Inaabisuhan ang lahat na gamitin ang buong Oktubre para kunin ang mga plaka nila upang maiwasan ang anumang abala kaugnay ng mahigpit na pagpapatupad ng polisiya. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ R. Marcos, Jr. na tuluyang resolbahin ang lahat ng usapin hinggil sa mga plaka.
Sa oras na ipatupad ang naturang polisiya, inatasan ni Asec. Mendoza ang mga enforcer ng LTO at iba pang deputized personnel na ipatupad ang mga batas-trapiko. Ang mga lalabag ay mahaharap sa paglabag sa Joint Administrative Order (JAO) 2014-001 at iba pang umiiral na batas, alituntunin at regulasyon.
Batay sa JAO 2014-001, ang kaparusahan ay multang โฑ5,000 at pagkakakumpiska ng mga pansamantala at โimprovisedโ na plaka.
Dagdag pa rito, ang mga sasakyang gumagamit ng pansamantala o โimprovisedโ na plaka ay hindi tatanggapin para sa renewal ng rehistro.
Nilinaw naman ni Asec. Mendoza na papayagan lamang ang paggamit ng โimprovised platesโ kung ito ay may kaukulang awtorisasyon mula sa opisina ng LTO na nagproseso ng duplicate plate request.
Ang โimprovised plateโ ay dapat magtaglay ng nakatalagang plate number ng sasakyan kasama ng salitang โImprovised Plateโ sa ibaba nito.
Ayon kay Asec. Mendoza, ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng pansamantala at โimprovisedโ na plaka ay kasabay ng pinaigting na distribusyon ng lahat ng plaka sa buong bansa sa lalong madaling panahon.