STAN CaTANauan

STAN CaTANauan Serbisyong Tunay At Natural

04/05/2022





04/05/2022

Maraming salamat po sa tiwala!

26/04/2022
22/04/2022
19/04/2022

𝐃𝐨𝐤𝐭𝐨𝐫𝐚 𝐇𝐞𝐥𝐞𝐧 𝐓𝐚𝐧: 𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐯𝐢𝐝 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐍𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐫𝐢-𝐡𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐨𝐥𝐢𝐚𝐭𝐡!

Dito sa Quezon, hindi natin maipagkakailang mala-Goliath ang problemang noon pa man ay sagabal na sa pag-unlad na ninanais natin para sa lalawigan. Ang problemang ito ay matagal nang balakid at nagpapahirap sa ating mga Quezonian. Pero kailanman ay hindi tayo nawalan ng pag-asa. Lalo na ngayong may kaagapay na tayo sa patuloy na paglaban at pakikibaka. Tulad sa kwento kung paano nagapi si Goliath, nandito na ang ating David na magtatagumpay sa pagbibigay ng solusyon sa problema ng lalawigan. Walang iba kundi ang minamahal nating si Doktora Helen Tan.

Tunay nga na malaki at sadyang malalim ang ugat ng problemang hanggang ngayon ay hindi parin nabibigyang solusyon ng kasalukuyang nakaupo sa pwesto. Mukhang imposible nga naman na masugpo at magapi ang isang higante pero kung alam ng isang lider ang gagawin, tulad ni David ay mananalo siya sa laban sa isang pukol lamang. Ang lider ang siyang dapat nangunguna sa paglutas ng problema. Hindi siya inihalal sa pwesto upang maghari-harian at pagsilbihan ng mga tao. Ito ang puntong nais iparating sa atin ni Doktora Helen Tan. Kapag may problema ay may solusyon. Gaano man ito kalala, malahigante man ang laki nito, o mukha man itong imposibleng malagpasan. Tandaan nating palaging may sagot para dito. Kaagapay natin si Doktora Helen Tan sa pagnanais na malutas at malagpasan ang problemang ito. Lumalaban siya para sa ating mga Quezonian at sa labang ito tangan niya ang kongkretong plano at solusyong magbibigay wakas sa higanteng problemang matagal nang naglulugmok sa ating mahal na lalawigan.

Piliin natin ang David na kaagapay ng mga tao at hindi ang David na nagmimistulang Goliath din sa paghahari-harian sa pwesto!

Sama-sama nating lutasin ang problema sa pangunguna ng isang lider na may tiyak na solusyon at kongkretong plano!

Samahan natin si Doktora patungo sa KaPITOlyo!





Address

Catanauan-Mulanay Road In Front Of Catanauan Municipal Building
Catanauan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when STAN CaTANauan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category