27/02/2026
Kaya mo bang magbuhat, mag-ayos at maghatid nang may bilis at disiplina?
Kung ikaw ay may taglay na lakas,tibay at tiyaga โmay kasanayan, responsibilidad at maingat sa pagmamaneho, ito na ang pagkakataong maipakita ang iyong galling! Dahil ang JAMMAS Inc., ay naghahanap ng mga aplikante para sa posisyong:
โข STATION LOADERS
โข AIRPORT DRIVERS
Tara naโt makilahok sa Local Recruitment Activity (LRA) na isasagawa ng Provincial Government of Quezon sa pamamagitan ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (QPPESO) katuwang ang JAMMAS Inc. at tuklasin ang mga oportunidad na maaaring magbukas ng bagong yugto tungo sa maayos at maginhawang buhay. Huwag palampasin ang pagkakataong makahanap ng trabahong akma sa iyong kakayahan.
Hindi mo na kailangang lumayo sapagkat ang trabaho na ang mismong lalapit sa iyo! Maghanda na at samantalahin ang pagkakataong ito!
Ang aktibidad na ito ay isasagawa sa apat na distrito ng lalawigan ng Quezon sa sumusunod na petsa at lokasyon:
March 2, 2026 โ Para sa mga jobseekers sa ikalawang distrito, ang aktibidad na ito ay magaganap sa lungsod ng Lucena.
March 3, 2026 โ Para sa mga jobseekers sa ikatlong distrito, ang aktibidad na ito ay magaganap sa Catanauan, Quezon.
March 4, 2026 โPara sa mga jobseekers sa ikaapat na distrito, ang aktibidad na ito ay magaganap sa Gumaca, Quezon.
March 5, 2026 โ Para naman sa mga jobseekers sa unang distrito, ang aktibidad na ito ay magaganap sa Infanta, Quezon.
Inaanyayahan ang lahat ng nais lumahok sa aktibidad na kumpletuhin ang Pre-registration form sa pamamagitan ng pag-click sa link o pag-scan ng QR Code na nasa larawan sa ibaba.
PAALALA: May nakalaang hiwalay na pre-registration form para sa bawat distrito, kaya tiyaking ang tamang link ang inyong sasagutan.
Para sa Ikalawang Distrito: https://bit.ly/LRA_JammasInc_3-2-2026
Para sa Ikatlong Distrito: https://bit.ly/LRA_JammasInc_3-3-2026
Para sa Ikaapat Distrito: https://bit.ly/LRA_JammasInc_3-4-2026
Para sa Ikaunang Distrito: https://bit.ly/LRA_JammasInc_3-5-2026
Kung may mga katanungan o paglilinaw, maaari kayong magpadala ng mensahe sa opisyal na page ng QPPESO na PESO Quezon Province o tumawag sa 373-4805 / 0933 868 5524.
Magkita-kita tayo, mga Ka-Hanapbuhay!