LTO CatanauanExtension office

LTO CatanauanExtension office Government Agency

07/08/2026

πŸ“’ABISO SA MGA KAWANI AT MAMAMAYAN NG LALAWIGAN NG QUEZON

Batay sa Memorandum Order No. 16, Series of 2026 na inilabas ng Office of the Provincial Administrator, ipatutupad ang half-day work schedule sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ngayong Agosto 7, 2026, bilang pag-iingat kasunod ng naganap na lindol at sa rekomendasyon ng Quezon Provincial Emergency Response (QPER).

Ang lahat ng tanggapan ay mag-ooperate lamang hanggang 12:00 ng tanghali, maliban sa mga opisina na nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster preparedness at response, at iba pang mahahalagang serbisyo, na magpapatuloy sa kanilang regular na operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.

Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, mag-ingat sa posibleng aftershocks, at sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang awtoridad.

Samantala, ang suspensyon ng klase at operasyon sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ay nakabatay sa direktiba ng mga namumuno sa LGUs sapagkat sila ang nakakaalam ng epekto ng nasabing lindol sa kanilang nasasakupan.

Stay Safe Quezonians.

06/08/2026
05/08/2026
03/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Kaugnay ng mga naging sunod-sunod na isyu na nakaapekto sa Land Transportation Management System (LTMS), at upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng serbisyo at mabigyan ang publiko ng sapat na pagkakataong makapagproseso ng kanilang mga transaksyon nang walang karagdagang bayarin, ipinatutupad ang Memorandum Circular No. MVL-2026-5271.

Pinalalawig hanggang sa susunod na abiso ang bisa ng mga sumusunod na mag-e-expire simula Hulyo 1, 2026:

β€’ Motor Vehicle Registration
β€’ Driver's License
β€’ Conductor's License
β€’ Student Permit
β€’ Medical Certificate

Walang sisingiling late fees o penalties para sa lahat ng renewal na sakop ng nasabing extension habang epektibo ang Memorandum Circular.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikipagtulungan.

31/07/2026

πŽππˆπ’π˜π€π‹ 𝐍𝐀 ππ€π‡π€π˜π€π†

Nais linawin ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na kasalukuyan nitong ipinatutupad ang Department of Transportation (DOTr) Memorandum Circular No. 001-2026, na nagtatakda ng polisiya hinggil sa hindi pagkukumpiska ng driver’s license sa oras ng apprehension.

Bilang pagsunod sa kautusan, pansamantalang hindi kinukumpiska ng mga law enforcement officers na may deputasyon mula sa LTO ang driver's license ng mga motoristang lumalabag sa batas-trapiko.

Kaugnay nito, nais ding linawin ng LTO na ang umiiral na jurisprudence ng Korte Suprema ay hindi nagtatakda ng pangkalahatang kapangyarihan ng mga traffic enforcement officers na magkumpiska ng driver’s license ng mga motorista. Gayundin, ang mga umiiral na administratibong issuances ng DOTr at Department of the Interior and Local Government (DILG), kabilang ang Joint Memorandum Circular No. 01, Series of 2008 ng dating DOTC at DILG, ay kinikilala na ang mga traffic enforcer ng mga local government unit (LGU) ay maaaring mag-isyu ng citation ticket ngunit walang legal na batayan upang kumpiskahin ang driver’s license ng mga motorista.

Patuloy na hinihikayat ng LTO ang lahat ng LGUs, traffic enforcement agencies, at mga motorista na sumunod sa umiiral na mga batas at regulasyon upang matiyak ang pantay, maayos, at makatarungang pagpapatupad ng batas-trapiko sa buong bansa.

Maraming salamat po.

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽπ„π—π“π„ππ’πˆπŽπ 𝐍𝐆 π•π€π‹πˆπƒπˆπ“π˜ 𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘'𝐒 π‹πˆπ‚π„ππ’π„, π‚πŽππƒπ”π‚π“πŽπ‘'𝐒 π‹πˆπ‚π„ππ’π„, 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓-πƒπ‘πˆπ•π„π‘'𝐒 ππ„π‘πŒπˆπ“, 𝐀𝐓 π‘π„π‡πˆπ’π“π‘πŽ 𝐍𝐆 ...
29/07/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

π„π—π“π„ππ’πˆπŽπ 𝐍𝐆 π•π€π‹πˆπƒπˆπ“π˜ 𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘'𝐒 π‹πˆπ‚π„ππ’π„, π‚πŽππƒπ”π‚π“πŽπ‘'𝐒 π‹πˆπ‚π„ππ’π„, 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓-πƒπ‘πˆπ•π„π‘'𝐒 ππ„π‘πŒπˆπ“, 𝐀𝐓 π‘π„π‡πˆπ’π“π‘πŽ 𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π, 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 πŸ‘πŸ π‡π”π‹π˜πŽ πŸπŸŽπŸπŸ” 𝐍𝐀 π‹π€πŒπ€ππ†

Ipinapaalala ng Land Transportation Office (LTO) na ang pagpapalawig ng bisa ng driver's license, conductor's license, student-driver's permit, at rehistro ng sasakyan, gayundin ang hindi pagpapataw ng multa para sa late renewal, ay hanggang 31 Hulyo 2026 na lamang alinsunod sa Memorandum Circular No. MVL-2026-5157.

Pagkatapos ng nasabing petsa, ang mga expired na lisensya, permit, at rehistro ng sasakyan na hindi pa nare-renew ay sasailalim na sa umiiral na mga patakaran at kaukulang multa para sa late renewal.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista at may-ari ng sasakyan na i-renew na ang kanilang mga dokumento bago ang 31 Hulyo 2026 upang maiwasan ang abala at mga kaukulang parusa.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO o bisitahin ang opisyal na social media pages ng ahensya.

https://www.facebook.com/share/p/14jfcqhu41y/

Address

Barangay Canculajao
Catanauan
4311

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO CatanauanExtension office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share