Provincial DOH Office - Northern Samar

Directions

Provincial DOH Office - Northern Samar Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Provincial DOH Office - Northern Samar, Government Building, Balite Street , Brgy. Acacia, Catarman.

27/08/2026

Ang ating mga DOH Nurses at Midwives ng Northern Samar ay laging handang magserbisyo at magprotekta sa ating komunidad. Ngunit bago sila maging health workers, sila rin ay mga nanay, lola, at auntie, kaya naman hindi rin sila mag-aatubiling gawin ang lahat upang maprotektahan ang kanilang mga anak at mahal sa buhay.

Tiwala sila sa bisa ng bakuna laban sa Tigdas, at tayo rin, dapat! πŸ’‰πŸ’š

Huwag nang maghintay na dumami ang kaso. Pumunta sa pinakamalapit na health center at pabakunahan ang inyong mga anak laban sa Tigdas at Rubella.

Bakuna ang proteksyon. Sama-sama nating protektahan ang ating mga bata!

25/08/2026
25/08/2026

Bakunado na ang mga anak ng ating mga DOH employees laban sa Tigdas at Rubella, dahil sila ay tiwala sa bakuna. Ito ay ligtas at epektibo. Kaya't mommies at daddies, mga nanay at tatay, magpabakuna na rin! Protektahan ang ating mga anak. Bakuna ang proteksyon laban sa Tigdas at Rubella. ❀️

15/08/2026

ππŽπ“π‡πˆππ† 𝐁𝐄𝐀𝐓𝐒 π‹πŽπ‹π€β€™π’ π‹πŽπ•π„

Si lola Elsie ay isa lamang sa napakaraming tagapag-alagang nagpakita ng lubos na pagpapahalaga sa kalusugan ng kanilang baby sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa measles at rubella.

Mahalaga rin kay lola Elsie ang pagsusuri at hindi basta-bastang paniniwala sa mga hindi berepikadong impormasyon online.

Dahil ang proteksyon ni baby ay responsibilidad hindi lamang ni nanay at tatay kundi ng buong pamilya at komunidad. πŸ’š


15/08/2026

ππ€πŠπˆπ“ πŠπ€πˆπ‹π€ππ†π€π 𝐀𝐍𝐆 π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π‹ πˆπŒπŒπ”ππˆπ™π€π“πˆπŽπ π€π‚π“πˆπ•π“π˜ (π’πˆπ€)?

Ayon kay Dr. Catherine Layon-Miral, Assistant Regional Director ng DOH Eastern Visayas, kailangan ang SIA kahit may Routine Immunization dahil marami pa ring batang hindi pa nabakunahan o hindi kumpleto ang bakuna.

Layunin ng SIA na mabigyan ng karagdagang proteksyon ang lahat ng target na bata at maabot ang hindi bababa sa 95% vaccination coverage upang maiwasan ang outbreak.

Sa Eastern Visayas, nananatili pa rin ang panganib ng tigdas at rubella. Kaya naman isinasagawa ang SIA ngayon para mapunan ang immunity gaps, maprotektahan ang mga bata, at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa komunidad.


15/08/2026

Patuloy pa rin ang pag-arangkada ng MR-SIA o Measles Rubella Supplemental Immunization Activity ng Department of Health sa pangunguna ng ating mga Rural Health Units. Sa mga magulang na may 6-59 months old na anak, lumapit na sa inyong Barangay Health Centers para sa inyong schedule. πŸ’‰πŸ’š Layunin po natin na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa banta ng Tigdas at maiwasan ang outbreak.
‼️Babala: Wag pong maniwala sa mga fake news! Ugaliing magtanong at makinig lamang sa mga anunsyo ng ating health facilities at local officials.

12/08/2026
12/08/2026
12/08/2026

π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—ͺ𝗔π—₯π—‘π—œπ—‘π—š: π—™π—”π—žπ—˜ 𝗗𝗒𝗛 π— π—˜π——π—œπ—–π—”π—Ÿ π—”π—¦π—¦π—œπ—¦π—§π—”π—‘π—–π—˜ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠

Public Advisory No. 2026-029 | August 9, 2026

Please be informed that the circulating post claiming that the Department of Health (DOH) is offering β‚±30,000 in medical subsidies in exchange for sharing the link/page in WhatsApp groups or with friends is FAKE and NOT an official DOH program.

⚠️ DO NOT:
β€’ Click or provide personal information
through the link.
β€’ Share the post or link with others.
β€’ Enter your mobile number, banking
details, passwords, or other sensitive
information.
β€’ Follow instructions requiring you to
share the page to receive money.

πŸ“’ Please help protect others by sharing this warning instead of the fake post.

Let us stay vigilant and verify information only through the official DOH channels.

Address

Balite Street , Brgy. Acacia
Catarman
6400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial DOH Office - Northern Samar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share