27/08/2026
ππππ ππ’π§ππ₯ππ€ππ¬ ππ§π πππ§πππ«-πππ©π¨π§π¬π’π―π ππ¨π―ππ«π§ππ§ππ π¬π πππ¦ππ¦ππ π’πππ§ π§π ππ«ππ’π§π’π§π - ππ¨π«π€π¬π‘π¨π©
Nagsagawa ang Gender and Development Affairs Office ng Catbalogan City Community College (CCCC) ng isang araw na training-workshop na may pamagat na βTraining-Workshop on Gender Sensitivity and CODI Orientation: Strengthening Governance Through Gender-Responsive Training Planning ngayong Agosto 27, 2026, sa CCCC Learning Resource Center.
Nakatuon ang training-workshop sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa gender sensitivity, pagtataguyod ng gender-responsive governance, at pagpapalakas ng kamalayan sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga kalahok sa paglikha ng ligtas, patas, at inklusibong kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Sinimulan ang programa sa mensahe ni Dr. Nigel L. Cornejo, Pangulo ng Kolehiyo, na nagpakilala sa institutional response ng kolehiyo na tinatawag na PROJECT DIGAIT. Ipinaliwanag niya na ang DIGAIT ay nangangahulugang Dignity First, Integrity in Action, Gender-Responsive Governance, Accountability and Vigilance, Institutional Unity, at Transformation and Guidance. Inilarawan niya ito bilang isang operational blueprint ng institusyon na naglalayong tugunan ang mga hamon sa loob ng kolehiyo at gawing konkretong aksiyon ang kaalaman at kamalayan hinggil sa gender responsiveness.
Binigyang-diin ni Dr. Cornejo na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa isaβt isa. Aniya, gaya ng binigyang-diin ng pilosopong si Martin Buber, βtrue living is meeting.β Sa pamamagitan ng pakikitungo sa kapwa nang may empatiya, pagiging sensitibo sa usaping pangkasarian, at moral na integridad, maiiwasang magkaroon ng puwang ang pang-aabuso at pagpapabaya.
Dagdag pa niya, hindi dapat ituring ang training-workshop at pagpapatupad ng PROJECT DIGAIT bilang simpleng pagtupad sa isang kinakailangan, kundi bilang isang kolektibong paninindigan upang baguhin ang kultura ng kampus. Hinikayat niya ang mga kalahok na magkaisa sa layuning maprotektahan ang mga mag-aaral, mapanindigan ang kani-kanilang tungkulin, at maisulong ang pamamahalang nakabatay sa katarungan at malasakit.
Sa sesyon sa umaga, tinalakay ni Dr. Gabriel, GAD Focal Person ng CCCC, ang kahalagahan ng gender sensitivity, gender issues, at gender equality. Binigyang-diin niya na ang paglikha ng isang inclusive learning environment ay nangangailangan ng pagiging patas, paggalang, kamalayan, at pagiging sensitibo sa karanasan ng ibang tao.
Isa rin sa mahahalagang paksa sa pang-umagang sesyon ang Gender Mainstreaming Evaluation Framework (GMEF) sa Gender and Development (GAD). Tinalakay ang GMEF bilang isang kasangkapan sa pagsusuri at pagsubaybay na ginagamit upang masukat at masubaybayan kung paano isinasama ang gender equality sa mga polisiya, programa, istruktura, at gawain ng isang institusyon.
Nakatulong ang talakayan upang higit na maunawaan ng mga kalahok ang kahalagahan ng pagsusuri sa kasalukuyang mga gawain at pagtukoy sa mga aspeto na maaari pang mapabuti upang maging mas gender-responsive ang institusyon.
Nagtapos ang training-workshop sa mensaheng ibinahagi ni Ginang Mary Joy Mustacisa-Capito, Vice President for Academic Affairs at OSDAS Director. Nagpasalamat siya sa Gender and Development (GAD) Office sa mungkahing programa na nakatulong sa mga kalahok na masuri ang mga umiiral na gender issues at matukoy ang mga hakbang upang matugunan ang mga ito.
Binigyang-diin niya na hindi dapat magtapos sa training ang mga natutuhan ng mga kalahok, kundi maisabuhay ang mga ito sa kanilang mga susunod na gawain. Aniya, βMay what we learn today not end this training, but continue through actions we take tomorrow.β
Ulat ni Shine Miryll Pisngot | πππ‘ππ’πππ‘ ππ π΅ππππ‘π
Mga Kuha ni Miguelito Eligedo | πβππ‘ππππ’ππππππ π‘