12/08/2026
๐๐ผ๐๐ฟ๐ผ๐๐ ๐๐ ๐ฝ๐
๐๐ ๐พ๐ผ๐๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐ผ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐.๐ผ. 9344 ๐๐ผ ๐๐ผ๐ผ๐๐๐๐๐ฟ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐.๐ผ. 10630.
SA LARAWAN | Agosto 12, 2026 โ Sa ilalim ng patnubay at pangangasiwa ng Panrehiyong Director ng Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya, BJMPROVIII ni JSSUPT RILL F SONON, DSC, JD, ang mga tauhan ng pasilidad na ito sa pangunguna ng Piitang Pangdistrito, SJO3 Gerberto D Maquidato, ay nagtungo sa Jiabong, Samar para makilahok sa oryentasyon at sesyon ng teknikal na pagkatuto hinggil sa R.A. 9344 o ang ๐
๐ช๐ซ๐๐ฃ๐๐ก๐ ๐
๐ช๐จ๐ฉ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ง๐ ๐ผ๐๐ฉ ๐ค๐ 2006 na naamyendahan ng ๐.๐ผ. ๐๐. 10630.
Ang nasabing paksa ay itinalakay ni Mr. Leonilo L. Calipa, SWOIII, na nanggagaling sa Regional Juvenile Justice and Welfare Council, Rehiyon Otso, binigyang diin niya ay yung pagkakaiba ng Programang binibigay sa nasasakupan ng "Children At Risk" o ang "CAR" at sa "Child In Conflict with the Law" o ang tinatawag namang "CICL", ang mga ito ay mababase sa Programang Pang-interbensyon o ang Programang Pang-dibersyon. Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan nina Atty. Joy P. Sadusta, OPP/Prosecutor 1 kasama sina Atty. Cheska D. Geli, Chief PAO Catbalogan City, Ma'am Ailene L. Ladera, RSW, MSSW, Head MSWDO at iba pang ahensya mula sa Munisipalidad ng Jiabong na kinabibilangan ng DepEd Jiabong, MHO, PESO, Sektor ng Kabataan, MDRRMO, PNP MPS at mga tauhan ng MSWDO. Mas naging makabuluhan ang kaganapan sa pamamagitan ng pagdalo ni ๐๐๐. ๐
๐๐๐๐ ๐. ๐พ๐๐๐๐๐, ๐๐ฟ, ๐๐ช๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ ng Jiabong, kung saan siya ay nagbigay ng makabuluhang mensahe, inspirasyon at pasasalamat sa lahat ng mga dumalo lalong-lalo na sa mga bumubuo ng Regional Juvenile Justice and Welfare Committee.
Matapos ang mga talakayan, ang mga miyembro ng RJJWC kasama ang mga kalahok ay nagtungo sa pasilidad ng detensyon ng Jiabong MPS at Paranas MPS upang mag-monitor at bumisita.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Kawanihan ng Piitan at Penolohiya, kasama na ang Local na Pamahalaan at Regional Juvenile Justice and Welfare Council and Committee, tinitiyak ng mga ahensyang ito ang maayos na transisyon ng pangangalaga na binibigyang-priyoridad ang sistemang legal para sa mas epektibong rehabilitasyon ng mga nasasakupan.
#๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐๐ถ๐๐ฒ๐๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด๐๐ฆ๐ฎ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป