LTO Catbalogan D.O

Directions Website

LTO Catbalogan D.O LTO Catbalogan D.O

30/07/2026
20/07/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Muling ipinababatid ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na pansamantalang hindi magagamit ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa isang technical issue na katulad ng naranasang aberya noong nakaraang linggo.

Kasalukuyang ginagawa ng LTO ang mga kinakailangang hakbang upang maibalik sa normal ang operasyon ng sistema sa lalong madaling panahon. Kasabay nito, pinag-aaralan din ang mga posibleng solusyon at isinasagawa ang mga pagpapahusay sa sistema upang mabawasan ang pagkaantala ng serbisyo at maiwasan ang mga katulad na aberya sa hinaharap.

Habang isinasagawa ang mga hakbang na ito, maaaring hindi magamit pansamantala ang mga transaksyong may kaugnayan sa LTMS. Dahil dito, pinapayuhan ang lahat ng tanggapan at mga kinauukulan na ipagpaliban muna ang mga transaksyon sa LTMS hanggang sa maglabas ng panibagong abiso.

Tinitiyak ng ahensya na prayoridad ang agarang maibalik sa normal ang operasyon ng sistema. Magbibigay ang LTO ng karagdagang abiso sa sandaling ganap nang maibalik ang serbisyo.

Lubos naming pinasasalamatan ang inyong pasensya at pang-unawa.

18/07/2026
πŸ‘€πŸ‘€πŸ‘€πŸ‘€
16/07/2026

πŸ‘€πŸ‘€πŸ‘€πŸ‘€

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activity ng online system ng ahensya at nangangailangan pa ng karagdagang troubleshooting upang matiyak ang ganap nitong kaayusan.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang online services ng LTO sa lahat ng tanggapan sa buong bansa.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente na huwag munang magsagawa ng anumang online transaction upang maiwasan ang mga posibleng aberya, kabilang ang hindi kumpletong pagproseso ng transaksyon at ang hindi pagkakatugma sa mga rekord gaya ng Official Receipt at iba pang kaugnay na dokumento.

Maglalabas ang LTO ng panibagong abiso sa oras na maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa.

15/07/2026

PAππŽπŽπ‘πˆπ: ASSISTANT SECRETARY LACANILAO, MULING NAGPAALALA SA PAGSUNOD SA ITINAKDANG PROCESSING PERIOD SA PAGPAPAREHISTRO NG MGA BAGONG SASAKYAN; MGA DEALER NA LALABAG, PAPATAWAN NG KARAMPATANG PARUSA Bilang bahagi ng 7-Point Reform Agenda ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, pinaigting ng LTO ang pagpapatupad ng mga regulasyon sa mga accredited dealers upang matiyak ang mabilis na pagpaparehistro ng mga bagong sasakyan at mapanagot ang mga hindi susunod sa itinakdang panahon ng pagproseso. Batay sa umiiral na mga patakaran ng ahensya, ang bagong sasakyan ay dapat nakarehistro na sa loob ng pitong (7) araw mula sa petsa ng Sales Invoice. Sa ika-11 na araw, dapat ay naibigay na ng dealer sa may-ari nito ang mga accountable items tulad ng Official Receipt (OR), Certificate of Registration (CR), at plaka. Ang mga dealer na lalabag sa proseso ay papatawan ng kaukulang parusa: Para sa mga motorsiklo: β€’ Unang paglabag – β‚±20,000 multa at pag-deactivate ng accreditation sa LTO IT System hanggang mabayaran ang multa. β€’ Ikalawang paglabag – β‚±30,000 multa at suspensyon ng accreditation nang hindi hihigit sa isang buwan. β€’ Ikatlong paglabag – β‚±40,000 multa at suspensyon ng accreditation nang hanggang tatlong buwan. β€’ Ikaapat na paglabag – β‚±50,000 multa at Kanselasyon ng Certificate of Accreditation at blacklisting. Para sa mga motor vehicle: β€’ Unang paglabag – β‚±100,000 multa. β€’ Ikalawang paglabag – β‚±500,000 multa. β€’ Ikatlong paglabag – β‚±1,000,000 multa at suspensyon ng Certificate of Accreditation nang hindi hihigit sa anim (6) na buwan. β€’Ikaapat na paglabag – Kanselasyon ng Certificate of Accreditation at blacklisting sa loob ng isang (1) taon mula sa pinal na kautusan ng kanselasyon. Nagpaalala rin ang LTO na may mabigat na parusa ang mga dealer na magsusumite ng peke o maling stock at sales reports, o magbibigay ng maling impormasyon sa kanilang aplikasyon. Sa unang paglabag, maaari silang masuspinde ng hanggang anim (6) na buwan at pagmultahin ng β‚±500,000 at kanselahin ang kanilang Certificate of Stock Reported (CSR), sales report, at registration ng mga sangkot na sasakyan. Sa ikalawang paglabag, maaari nang kanselahin ang kanilang accreditation at i-blacklist sa loob ng isang (1) taon at kanselahin din ang kanilang CSR, sales report, at registration ng mga sangkot na sasakyan. Hinihikayat ng LTO ang publiko na alamin ang itinakdang panahon ng proseso sa pagpaparehistro ng kanilang mga bagong sasakyan at agad na makipag-uganayan sa ahensya kung makaranas ng hindi makatwirang pagkaantala sa paglabas ng kanilang OR, CR, at plaka. Gayundin, maaaring iparating ang mga sumbong at hinaing sa pamamagitan ng opisyal na page na β€œIreport mo kay LTO Chief” at sa website na https://ireportmokayltochief.ph/ upang mabigyang-pansin at maaksyunan ang kanilang mga sumbong at hinaing.

Address

Brgy 7
Catbalogan
6700

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Catbalogan D.O posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share