05/06/2026
โ๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐ค๐๐๐๐ก๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ซ๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐๐ข๐ฅ๐ข๐๐๐โ โ ๐๐ซ. ๐๐๐๐ข๐๐ง
ni Maria Cicelia B. Pacantarra
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ฆ๐๐ซ โ Higit pa sa pagpipintura ng mga silid-aralan at pagkukumpuni ng mga silya ang tunay na diwa ng bayanihan, kundi ito ay ang pagbuo ng isang ligtas na espasyo kung saan malayang lalago ang mga pangarap ng kabataan.
Ito ang binigyang-diin ni Dr. Moises D. Labian, Jr., Pansangay na Tagapamanihala sa kanyang naging talumpati sa harap ng mga g**o, magulang, at mga boluntaryo sa opisyal sa paglulunsad ng Pansangay na Brigada Eskuwela 2026 sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Matuguinao nitong Martes, Hunyo 2.
Umarangkada ang aktibidad sa ilalim ng temang โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa kaayusan at kaalaman,โ na naglalayong ihanda ang mga pasilidad bago ang muling pagbubukas ng klase sa mga susunod na linggo.
Upang maselyohan ang suporta ng kagawaran, pormal ding inianunsyo ni Dr. Labian ang pagkakaloob ng kabuuang โฑ60,000 na pondo para sa MNHS. Kabilang dito ang โฑ50,000 alokasyon mula sa Division Office at karagdagang โฑ10,000 mula sa Philippine Public School Teachers Association (PPSTA).
"Ang isang bagong pinturang pader ay nagsasabi sa bata na 'mahalaga ka. Ang naayos na bubong ay nagpaparamdam sa g**o na pinahahalagahan ang trabaho mo. At ang nalinisang hardin ay nagpapakita sa buong komunidad na nagmamalasakit tayo sa edukasyon,' pahayag ng tagapamanihala.
Ipinaalala rin ng opisyal na ang edukasyon ay isang "kabahaging responsibilidad" (shared responsibility) kaya naman mahalaga ang ambag ng bawat sektorโmula sa Local Government Unit (LGU), mga alumni, Non-Government Organizations (NGOs), at mga indibidwal na boluntaryo na nag-aalay ng kanilang oras, lakas, at kakayahan.
Samantala, pinuri rin ni Dr. Labian ang lokal na pamahalaan ng bayan sa pamumuno ni Mayor Aran C. Boller sa patuloy na pagtataguyod ng mga proyektong pang-edukasyon at pangkaunlaran.
Ikinatuwa rin ng tagapamanihala ang malaking pagbabago sa Matuguinao mula sa dating imahe nito sa insurhensya tungo sa isang progresibong bayan.
โAng mga pagsisikap na ating ilalaan sa linggong ito ay mag-iiwan ng pangmatagalang bakas na higit pa sa mga pisikal na pagbabagong ating makikita. Paglipas ng mga taon, maaaring malimutan ng mga mag-aaral kung paano inayos ang kanilang mga sirang desk, ngunit mananatili sa kanilang alaala ang pakiramdam na maging ligtas, magkaroon ng pagmamalaki sa kanilang paaralan, at maging inspirado habang sila ay nakaupo rito,โ pahayag ng opisyal.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinamon ni Dr. Labian ang mga dumalo na magsilbing inspirasyon sa isa't isa at magbayanihan nang may kagalakan para sa kinabukasan ng mga mag-aaral.
๐ท Hon. Aran dela Cruz Boller FB Page
๐ท Dr. Liz Salino