24/05/2026
https://www.facebook.com/share/p/18RgWjvHan/
PARUSANG F1R1NG SQUAD SA KORAP NA OPISYAL NG GOBYERNO
Noong Enero 2025, ang House Bill 11211, na isinulat ni Zamboanga City 1st District Representative Khymer Adan Olaso, ay isang kontrobersiyal na panukalang batas na pinamagatang "Death Penalty for Corruption Act."
Layunin ng panukalang batas na ito na magpatupad ng zero-tolerance policy laban sa pagnanakaw sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng mabibigat na parusa.
Nais nitong ibalik ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad para sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Ipapataw ang parusang bitay sa mga mapatutunayang nagkasala ng graft, malversation of public funds (paglustay), o plunder (pagnanakaw ng yaman ng bayan).
Saklaw nito ang lahat ng pampublikong opisyal sa pamahalaan ng Pilipinas. Mula ito sa Pangulo hanggang sa pinakamababang opisyal ng barangay, kabilang ang mga miyembro ng militar at kapulisan.
Upang maiwasan ang maling pagbitay, itinakda ng batas na maaari lamang isagawa ang parusa kapag ang hatol ng Sandiganbayan ay pinagtibay ng Korte Suprema, matapos dumaan sa lahat ng legal na apela at motion for reconsideration.
Matapos ihain ni Rep. Olaso, ang panukala ay pormal na ipinasa sa House Committee on Justice.
Ang parusang kamatayan ay tuluyang binuwag sa Pilipinas noong 2006 sa ilalim ng Republic Act No. 9346. Argumento ni Olaso, ang tindi ng pinsala ng korapsyon sa bansa ang nagbibigay-katwiran upang ibalik ang bitay bilang matinding babala.
Nagdulot ito ng mainit na debate. Pabor ang ilan dahil sa paniniwalang ito ang maglilinis sa gobyerno, ngunit mahigpit itong tinutulan ng mga human rights groups dahil sa isyu ng karapatang pantao at panganib na magamit ito sa politikal na ganti.
Si Khymer Adan Olaso ay kasalukuyang naglilingkod bilang ika-23 na Mayor ng Lungsod ng Zamboanga.