04/06/2026
ππ πͺ π‘ππππππππ π¦π π£ππππ‘π βπͺπ’π₯π πππ₯π’ππβ π’ππππ₯π¦ π¦π π¦π’ππππ π ππππ
Muling nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko laban sa mga pekeng βwork abroadβ offers na kumakalat sa social media. Ayon sa DMW, dapat maging maingat ang mga aplikante sa mga recruitment posts na nangangako ng mabilis na pag-alis, mataas na sahod, at madaling proseso kapalit ng malalaking bayarin.
Pinaalalahanan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang publiko na hindi sapat na may opisina, social media page, o foreigner na kasama ang isang grupo upang masabing legal itong recruitment agency. Dapat tiyakin ng mga aplikante na may lisensya mula sa DMW ang recruiter, rehistrado ang mga tauhan nito, at working visa, hindi tourist visa, ang ipoprosesong dokumento bago umalis ng bansa.
Pinapayuhan din ng DMW ang publiko na suriin ang mga dokumento, kontrata, at bayarin, at laging humingi ng opisyal na resibo sa bawat transaksyon. Maaaring ireport ang kahina-hinalang recruitment activity sa DMW Anti-Illegal Recruitment at DMW AIRTIP pages, tumawag sa 8722-1144 at 8722-1155, o mag-email sa [[email protected]](mailto:[email protected]) at [[email protected]](mailto:[email protected]).
# # #