13/02/2026
โ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐!โ
Tunay ngang ang bawat pagsisikap ay may katapat na tagumpay. Muling pinatunayan ng SANGGIRAN Irrigators Association (IA) ang kanilang pagkakaisa, kasipagan, at maayos na samahan matapos silang tanghalin bilang Outstanding Rice Cluster Irrigation Association for National Irrigation System (NIS) sa prestihiyosong GAWAD SAKA ng Department of Agriculture para sa taong 2025.
Ang pagkilalang ito ay bunga ng patuloy na pagtutulungan ng mga miyembro ng SANGGIRAN IA sa pagpapaunlad ng produksyon ng palay at sa pagpapatatag ng kanilang samahan bilang isang organisasyon ng mga magsasaka.
Noong nakaraang buwan January 14, 2026, muling sumailalim ang SANGGIRAN IA sa Regional Level Validation bilang bahagi ng proseso ng GAWAD SAKA. Sinuri at inalam ng mga tagapagpatupad ng programa sa pangunguna ni Mr. Jaylord Bagasin, Senior Agriculturist ang kanilang mga proyekto, pamamalakad, at kontribusyon sa sektor ng agrikultura.
Dahil sa hangarin ng SANGGIRAN IA na matagumpay na maipasa ang Regional Level Validation, sila ay deneclarang kwalipikado para sa National Level ng nasabing parangal at naghihintay at nag-aabang sa araw ng pagbaba ng mga evaluators. Patuloy silang nagsusumikap at nagsisilbing inspirasyon sa iba pang samahan ng mga magsasaka na ang pagkakaisa at determinasyon ay susi sa tagumpay.
Sa huli, ang tagumpay ng SANGGIRAN IA ay patunay na kapag may sipag, tiyaga, at sama-samang pagkilos, tiyak na aanihin ang bunga ng bawat pagsisikap.
sa