21/08/2026
📢 PAALALA SA ATING MINAMAHAL NA KABARANGAYAN
Minamahal naming mga kabarangay, patuloy po nating ginagawa ang lahat upang mapanatili ang ating barangay na malinis, maayos, ligtas, at maaliwalas para sa ating lahat. 🌿
Kaya naman, sa pamumuno ng ating butihing kapitan Bhongzky Fernandez, mariin po naming hinihiling ang inyong pakikiisa at disiplina. Huwag po tayong magtapon ng basura o anumang patay na hayop sa kalsada, kanal, bakanteng lote, o pampublikong lugar.
Para po sa nagtapon ng patay na a*o, hinihiling namin na magkaroon po tayo ng malasakit at respeto sa ating kapwa. Tandaan po natin na ang ganitong gawain ay maaaring magdulot ng mabahong amoy, panganib sa kalusugan, at hindi magandang kapaligiran para sa buong komunidad.
Mag-isip po tayo bago kumilos. Ang kalinisan at kaayusan ng ating barangay ay responsibilidad nating lahat. At kung mapatunayang may lumabag sa mga alituntunin ng barangay, maaari po itong managot at mapatawan ng kaukulang kaparusahan alinsunod sa umiiral na mga ordinansa at batas.
🤝 Disiplina, malasakit, at pagkakaisa—para sa malinis at maaliwalas na barangay.
Makiisa po tayo. Ang malinis na barangay ay para sa ating lahat! 💚🌿