03/06/2026
𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮, 𝗞𝗮-𝗔𝗧𝗜?
Ang matagumpay na pagsasaka ay hindi lang nakasalalay sa sipag-kundi sa tamang kaalaman at disiplina sa pamamahala ng bukid.
Ang wastong paggamit ng teknolohiya, tamang oras ng pagtatanim, at maayos na pangangalaga sa lupa ay nagsisilbing tulay upang makamit ang mas mataas na ani at kita.
Kapag may sapat na kaalaman at pagsunod sa tamang pamamaraan, mas nagiging sigurado ang tagumpay sa agrikultura-para sa sarili, pamilya, at komunidad.
Ang Brown Planthopper (BPH) ay isa sa mga pinakamapaminsalang peste ng palay. Upang maiwasan ito, dapat regular na magsagawa ng field monitoring, iwasan ang sobrang paggamit ng nitrogen fertilizer, pangalagaan ang mga natural enemies tulad ng gagamba at mirid bugs, at gumamit ng insecticide kung kinakailangan at batay sa rekomendasyon ng mga eksperto.
ALAM MO BA CHALLENGE!
Kapag napansin mo ang mga unang senyales ng Brown Planthopper sa iyong palayan, ano ang una mong ginagawa upang makontrol ito?
Ibahagi ang iyong karanasan at mga epektibong pamamaraan sa comment.
See less