22/08/2023
08-21-23
KALINGA SA BARANGAY
"Free Legal Assistance to Barangay and SK Candidates 2023"
Bilang bahagi sa nalalapit na eleksiyon, si Vice Governor Atty. Karen Agapay ay may isinulong na gawaing legal kahapon, ika-21 ng Agosto, taong kasalukuyan. Ito ay ang pagkakaroon ng libreng pagpapanotaryo ng mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan.
Nagkaroon ng isang pagpupulong kung saan ibinahagi nila ang mga kaalaman at suhestiyon kung anu-ano nga ba ang mga "do's" at "don't's" sa darating na halalan. Mga bagay na kinakailangan nilang malaman nang sa gayon ay hindi sila madiskwalipika sa eleksiyon. Kasabay nito ay ang pagkakaroon ng libreng tubig, cotton candy at popcorns na siyang pampatanggal inip sa mga kasapi nang isinagawang programa.
Ika nga ni Vice Governor Atty. Karen Agapay, naroroon ang mga libreng pagkain na siyang makakatulong sa pampatanggal inip at nagagalak siya sapagkat napakaraming tao ang nasa bulwagan na talaga nga namang gusto at nagnanais maglingkod sa kani-kanilang barangay. Dagdag pa niya, siya ay lubos na humahanga sa mga magiging kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan sapagkat ito ang unang hakbang nila papunta sa nalalapit na eleksiyon.
Matapos ang napakahabang usapin patungkol sa paparating na eleksiyon, agad ring iniabot sa mga kandidato ang kanilang forms o mga papel na siyang gagamitin nila sa nalalapit na "Filing of Candidacy" sa ika-28 ng Agosto hanggang ika dalawa ng Septyembre.
Kung kaya't naroon din ang TEAM SK-B bilang bahagi ng programa at tinitiyak ang kanilang hangarin at seguridad na maglingkod sa kanilang Barangay. Bukod pa dito, natapos na ang lahat ng mga kinakailangan nilang sagutan at ilagay sa kanilang mga form na siyang gagamitin sa nalalapit na "filing of Candidacy". Muli, ito ang Serbisyong Kabataang BUGOY TEAM SK-B. "Uniting Youth, Transforming Communities "
Gamitin ang opisyal na hashtag ng grupo: