23/07/2017
HIRAYA Q&A
Question no. 1
"mga Ate at Kuya, bakit niyo po nilalabas credentials niyo?"
Sagot: ang pag present po namin ng credentials ay hindi para mag yabang, kundi dahil gusto namin kayong BIGYANG RASON PARA PAGKATIWALAAN KAMI. Gusto rin namin ipakita sainyo na kung nagawa namin noon ang magsilbi ay magagawa namin NGAYON ng MAS MABUTI kapag nagSAMA-SAMA.
Isa pang punto nito ay ito'y patunay na kami'y may nagawa na, may ginagawa sa kasalukuyan at may magagawa pa sa hinaharap.
Isa rin itong patunay na kinakaya naming pagsabayin ang ang aming pag-aaral sa mga extra curricular na aming sinasalihan, tingin namin ang isang MABUTING LIDER ay dapat napagsasabay ito.
Hindi naman namin hangad ang hangaan niyo kami, ang tanging nais lang namin ay pagkatiwalaan at bigyan ng oportunidad na magsilbi sa SSC-RdC SHS :)
Maraming salamat po! At sasagutin namin ang iba niyo pang Katanungan!
Palayagin ang Hiraya at huwag mahiyang magtanong!
Hiraya Manawari 💛