30/12/2025
IMPORTANT ANNOUNCEMENT PARA SA MGA 15-30 YRS OLD SA ATING BARANGAYπ£
Good day po! Ako po ang SK Chairperson ng ating barangay, at nais ko lang pong ipaalala at hikayatin ang lahat na sagutan ang KK Profiling Form hanggang January 2, 2026. Ang form na ito ay magsisilbing opisyal na record ng barangay tungkol sa mga impormasyon ng bawat kabataan at magiging basehan namin sa pagbuo ng mga susunod na projects at programs para sa youth. Paalala po na ang mga hindi makakasagot sa form ay hindi na maisasama sa mga future na programa o aktibidad ng barangay, kaya mahalagang makapagsagot ang lahat. Ilang minuto lang po ito at malaking tulong na sa amin at sa inyo rin. Kung kayo po ay may anak, pamangkin, kapatid, o kamag-anak na kabilang sa kabataan ng Barangay 19, maaari po kayong kayo na ang magsagot para sa kanila o kaya ay hikayatin ninyo silang magsagot ng form. Paalala rin po na ang KK Profiling Form ay para lamang sa mga edad 15β30 taong gulang na residente o botante ng Barangay 19. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta!
KK Profiling Form link:
ITO AY PARA LAMANG SA MGA RESIDENTE O BOTANTE NG BARANGAY 19 - GEMINI NA NASA 15-30 NA TAONG GULANG. Ang KK Profiling ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga Katipunan ng Kabataan (KK) sa isang barangay o komunidad. Layunin nito na malaman ang bilang, edad, kasarian, antas ng e...