26/08/2026
𝑴𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚, 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑪𝒆𝒓𝒄𝒂! ✨
Ang Sangguniang Kabataan ng Castaños Cerca ay muli kayong inaanyayahang makilahok sa pagdiriwang ng ating 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 na may temang: “𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐀𝐝𝐯𝐚𝐧𝐜𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐥𝐭𝐢𝐥𝐚𝐭𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩𝐬”.
Ang programang ito ay inihanda upang bigyang-pansin ang mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang sa pagtataguyod ng isang malusog, maunlad, at ligtas na pamayanan. 📝
Date : 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟕:𝟎𝟎 𝐀𝐌
Venue: 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐚ñ𝐨𝐬 𝐂𝐞𝐫𝐜𝐚 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭
- May 𝐅𝐑𝐄𝐄 breakfast & snacks
- Plus exciting raffles, games, and prizes! 💯
Mga programang dapat abangan:
📢 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧, 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧
- Isang talakayan patungkol sa safety precautions against teenage pregnancies. Ito ay mahalagang paalala sa bawat kabataan na pangalagaan ang kalusugan at maging matalino sa bawat aksyon patungo sa kinabukasan.
📢 𝐆𝐮𝐢𝐝𝐞𝐝 𝐛𝐲 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬, 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐢𝐧 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐢𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲
- Isang seminar patungkol sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o ang RA 9344, na kung saan ay tatalakayin natin ang nilalaman ng batas na ito, gayundin ang mga karapatan ng bawat kabataan at pananagutan sa bawat aksyon na hindi katanggap-tanggap. Bilang isang kabataan, mahalaga na magkaroon tayo ng karagdagang kaalaman na siyang maaari nating magamit sa ating sarili at maibahagi sa iba.
📢 𝐁𝐢𝐲𝐚𝐡𝐞 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐢𝐛𝐥𝐲
- Sa programang ito ay tatalakayin ang iba’t ibang Road Safety Rules na siyang magsisilbing aral at paalala sa bawat kabataan partikular na sa mga nagmamaneho ng sasakyan. Ito ay mahalagang masuri at mapag-aralan upang maiwasan ang posibleng aksidente sa kalsada.
📢 𝐀 𝐏𝐚𝐜𝐤 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡
- Bahagi ng ating LNK ngayong taon ang pamimigay ng Vegetable Package sa bawat kabataan na may layuning tuldukan ang isyu ng malnutrisyon. Sa bawat kabataang may pangarap, mahalagang isaalang-alang ang magandang pangangatawan at pag-iisip.
📢 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐖𝐒𝐅𝐀𝐏)
- Ito ay may layuning magbahagi ng kaunting tulong-pinansiyal para sa ating mga kabataang pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho upang matugunan ang pangangailangang pang-edukasyon at pansarili. Sa tulong nito, maaaring mabawasan ang financial burden ng ating working students.
📢 𝐀𝐜𝐤𝐧𝐨𝐰𝐥𝐞𝐝𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐋𝐘𝐎, 𝐄-𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 & 𝐈𝐧𝐝𝐨𝐨𝐫 𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐑𝐞𝐩𝐫𝐞𝐬𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞𝐬
- Ito ay isang pagkilala para sa mga kabataang nagrepresenta ng ating barangay sa larangan ng Mobile Legends E-Sports at Indoor Sports na Badminton, Chess at Table Tennis na nagpakita ng aking husay at galing sa bawat laro, gayundin sa ating kabataang nagpamalas ng talento sa pamumuno sa LYO.
📢 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞
- Isang konkretong paraan upang maipakita na walang kabataan ang dapat maiwan. Sa tulong pinansyal na ipamamahagi, masisiguro na ang mga kabataan ay may dagdag na suporta upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at pangarap.
Kaya’t kabataan, huwag palampasin ang pagkakataong ito! 🤸🏼💖
Tara na’t makiisa, matuto, at magsaya, dahil ang ating pagkilos ngayon ay para sa mas maunlad na kinabukasan.