DepEd Tayo SDO Cavite City

DepEd Tayo SDO Cavite City It was formerly known as DepEd Tayo Cavite City.

DepEd Cavite City is an online media platform of the Schools Division Office designed to inform, instruct, and inspire learners, teachers, parents, and other stakeholders.

06/08/2026

WALANG PASOK - AUGUST 7, 2026

Dahil sa patuloy na pag-ulan at paglakas ng hangin dulot ng sama ng panahon, suspendido ang mga klase bukas, Friday, August 7, 2026, sa lahat ng antas ng paaralan, both public and private, sa buong Cavite City.

Muli, maging maingat at manailing safe and dry sa panahon ngayon!💚

06/08/2026
06/08/2026
Pagpapatibay ng ‘Home-School Partnership’ sa SDO, tinalakay sa Division PTA Forum 2026Isinagawa ng Schools Division Offi...
06/08/2026

Pagpapatibay ng ‘Home-School Partnership’ sa SDO, tinalakay sa Division PTA Forum 2026

Isinagawa ng Schools Division Office (SDO) of Cavite City ang Division Parent-Teacher Association (PTA) Forum 2026 sa Bulwagan ng Kagitingan, na dinaluhan ng mga magulang, opisyal ng PTA, mga school head, at iba pang katuwang sa edukasyon. Layunin ng pagtitipon na higit pang pagtibayin ang ugnayan ng tahanan, paaralan, at komunidad upang sama-samang masuportahan ang pagkatuto at pangkalahatang kapakanan ng mga mag-aaral.

Layon din ng forum na palalimin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa mga kasalukuyang programa at patakaran ng Department of Education (DepEd), habang hinihikayat ang mga magulang at pinuno ng PTA na maging mas aktibong katuwang sa pagtataguyod ng ligtas, inklusibo, at learner-friendly na mga paaralan.

Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) Rosa T. Tayamora ang mahalagang papel ng mga magulang at ng PTA sa pagtulong sa mga paaralan na maihatid ang dekalidad na edukasyon at matiyak ang kabuuang kapakanan ng bawat mag-aaral.

Aniya, mahalaga ang matibay na pagtutulungan ng pamilya, paaralan, at komunidad upang mabigyan ang bawat bata ng sapat na gabay at suporta na kailangan nila upang magtagumpay hindi lamang sa pag-aaral kundi maging sa buhay.

Binubuo ang forum ng tatlong sesyon na nakatuon sa Learner Development, Learner Protection, at PTA Governance.

Sa unang sesyon tungkol sa Learner Development, tinalakay ni Curriculum Implementation Division (CID) Chief Regin Rex P. Tosco ang mga pinakabagong pagbabago sa kurikulum at mahahalagang programa ng DepEd na naglalayong higit pang mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto.

Sinundan ito ng talakayan tungkol sa Mental Health and Emotional Well-being of Learners and Positive Parenting na pinangunahan ni Division Guidance Coordinator Kristina Rose G. Carlos. Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga batang may matatag na emosyon, positibong pananaw, at sapat na suporta mula sa tahanan.

Sa ikalawang sesyon na nakatuon sa Learner Protection, ipinaliwanag ni Division Youth Formation Coordinator Reicy R. Lallana ang mahahalagang probisyon ng DepEd Order No. 006, s. 2026, na naglalaman ng mga alituntunin para sa Enhanced School Mental and Learner Engagement (E.S.M.L.E.) Framework. Binigyang-diin niya na ang pagprotekta at pag-aalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral ay pananagutan ng parehong paaralan at pamilya.

Nagbahagi rin si Division Subject Area Coordinator, Allan A. Balud ng mga gabay sa pagpapatupad ng ARAL Hour at ipinaliwanag kung paano makatutulong ang mga magulang, PTA, at iba pang stakeholders sa pagbibigay ng mga angkop na interbensiyon sa mga mag-aaral na nangangailangan ng dagdag na suporta sa pagkatuto.

Sa huling sesyon tungkol sa PTA Governance, tinalakay ni ASDS Tayamora ang mga alituntunin sa pagsasagawa ng mga aktibidad ng PTA, boluntaryong kontribusyon, wastong pamamahala ng pondo, transparency, at pananagutan. Ipinaliwanag din niya ang proseso ng Division Federated PTA Elections at hinikayat ang mga magulang at opisyal ng PTA na isabuhay ang responsable, tapat, at aktibong pamumuno.

05/08/2026
05/08/2026
05/08/2026
05/08/2026
05/08/2026

Address

Cavite National High School Compound, Corner Garcia And Chief E. Martin Street, Caridad, Cavite City
Cavite
4100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo SDO Cavite City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share