16/01/2026
Bam-Risa for 2028 πβ₯οΈ
May mga pangalang biglang lumulutang kapag ramdam ng tao na may hinahanap silang bago. Hindi apelyido, hindi dinastiya, kundi malinaw na prinsipyo. Ayon kay former Sen. Sonny Trillanes, sina Bam Aquino at Risa Hontiveros ay isinusulong na posibleng presidential candidates sa 2028.
Maaga pa para masabi kung sino talaga. Pero kung sakaling isa man sa kanila, hindi na rin tayo lugi. Si Risa, kilala sa matapang na paninindigan laban sa POGO, human trafficking, at korapsyon β hindi umatras kahit may binabangga. Si Bam, may malinaw na track record sa edukasyon β Free College Law, TES, at tuloy-tuloy na suporta sa kabataan.
At huwag kalimutan: puwede rin si Kiko Pangilinan β subok sa food security, suporta sa magsasaka, at malinaw ang tindig sa soberanya at West Philippine Sea. Iba-iba ang mukha, iisa ang linya: serbisyo, prinsipyo, at malasakit.
Kung ganito ang mga pagpipilian, mapapasugal ulit tayo; para sa bayan!