31/07/2026
BUONG PAHAYAG NG OCEANA PHILIPPINES TUNGKOL SA DESISYON NG KORTE NA IPAWALANG-BISA ANG FAO 266
Sa desisyong ito, inilibing ng Korte Suprema ang mga maliliit na mangingisda at ang kanilang mga pamilya sa mas malalim na hukay ng gutom at kahirapan.
Sa pagsasawalang-bisa ng FAO 266 - ang patakarang nag-oobliga sa mga commercial vessel na magkabit ng monitoring device - wala nang makakakita kung sinong barkong pang-komersyal ang pumapasok sa 15 kilometrong nakalaan sa maliliit na mangingisda.
Noong Martes, sa aming State of the Fisherfolk Address, tinanong namin ang gobyerno: para ba kayo sa mangingisda, o para sa negosyante?
Kahapon, para bang sinagot ito ng Korte Suprema.
Sa BFAR: iapela itong desisyon na ito, ngayon na.
Basahin ang buong pahayag dito: http://bit.ly/4xaqgdQ