29/08/2026
🇵🇭 BUWAN NG WIKA: WIKA, LARO, AT SALO-SALO!
Isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika kasama ang aming twin section, Section Gratitude at Section Prudence!
Mula sa masayang tawanan at matinding laban sa Chinese Garter, hanggang sa walang-katapusang salo-salo—patunay na hindi lang talento sa laro ang meron tayo, kundi talento rin sa pagkain!
Sa bawat talon, tawanan, at pagsasalo ng pagkain, mas pinagtibay natin ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at diwa ng kulturang Pilipino.
Section Gratitude × Section Prudence — dalawang section, isang samahan, at isang Buwan ng Wikang punong-puno ng saya, tawanan, at… busog!