01/10/2026
SBMA Fire Chief Ranny Magno, Pumanaw sa edad na 61
OLONGAPO CITY β Pumanaw nitong Setyembre 28 si Fire Chief Ranny Doctolero Magno, 61, ng Castillejos, Zambales, na nagsilbing Manager ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Fire Department, dahil sa natural causes.
Sa kanyang panunungkulan, nakilala ang SBMA Fire Department and Rescue Team sa mataas na antas ng disiplina, pagsasanay at kahandaan sa pagtugon sa mga sunog, rescue operations at iba pang emergency situations.
Sa kanyang huling mga buwan sa serbisyo, patuloy na nanguna si Magno sa mga pagsasanay at simulation exercises ng SBMA Fire and Rescue Team upang mapanatili ang kahandaan nito sa pagtugon sa mga sakuna.
Kabilang sa mga huling coverage ng Ang Pahayagan ang isang disaster-response exercise ng SBMA Fire Department kung saan nakita ang aktibong pamumuno ni Magno kasama ang kanyang mga tauhan.
Sa isang Facebook post na nag-aanunsyo sa pagpanaw ng kanyang ama, nag-iwan naman ng maikling mensahe si Ralph Magno:
βRest well Dad. Your labor is finished. Your earthly work is done.β
Iniwan ni Chief Ranny ang isang pamana ng tapang, disiplina, paglilingkod at malasakit na patuloy na maaalala ng kanyang mga kasamahan sa fire and rescue community at ng mga taong kanyang natulungan. β by Marti Dumaguing / Ang Pahayagan
Nakikiramay ang Ang Pahayagan sa pamilya, mga kaibigan, kasamahan at buong SBMA Fire Department sa pagpanaw ni Fire Chief Ranny Magno.
Rest in peace, Chief Ranny.