14/07/2026
๐ข PAUNAWA SA MGA MAGULANG AT MAG-AARAL
Alinsunod sa Memorandum Order ng Lokal na Pamahalaan, suspendido ang lahat ng klase sa Hulyo 15, 2026 dahil sa sunod-sunod na lindol na nararanasan sa ating bayan.
Upang matiyak na magpapatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) o Modular Learning. Ang lahat ng mag-aaral ay inaasahang magsasagawa ng kanilang mga nakatalagang gawain at sasagot sa mga learning modules sa kani-kanilang tahanan.
Hinihikayat ang lahat na unahin ang kaligtasan, manatiling mapagmatyag, at sundin ang mga opisyal na abiso ng ating lokal na pamahalaan.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon. Manatiling ligtas ang lahat.