17/07/2026
π¨ ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG MAKAKAKITA NG VEHICULAR ACCIDENT? π
Hindi kailangang maging rescuer upang makatulong. Ang tamang kaalaman ay maaaring makapagligtas ng buhay.
β
1. Unahin ang iyong kaligtasan. Siguraduhing ligtas ang lugar bago lumapit sa biktima.
β
2. I-assess ang sitwasyon. Alamin kung ilan ang biktima at kung may iba pang panganib tulad ng sunog, tumatagas na gasolina, o mabilis na daloy ng sasakyan.
π 3. Tumawag agad sa MDRRMO, PNP, o BFP. Ibigay ang eksaktong lokasyon, uri ng aksidente, bilang ng mga biktima, at iba pang mahahalagang impormasyon upang agad silang makaresponde.
β
4. Kung ligtas, kausapin ang biktima. Alamin kung siya ay may malay at hikayatin siyang manatiling kalmado.
β 5. Huwag basta-basta galawin ang biktima. Maaaring may pinsala sa ulo, leeg, o gulugod na hindi agad nakikita. Ang maling paggalaw ay maaaring magpalala ng kanyang kondisyon.
π©Ή 6. Kung may matinding pagdurugo at marunong ka ng basic first aid, lagyan ng direktang pressure ang sugat gamit ang malinis na tela o benda.
β 7. Huwag magbigay ng pagkain, tubig, o anumang gamot sa biktima.
β οΈ 8. Magbigay ng babala sa ibang motorista ( Kung gabi, gumamit ng flashlight o emergency lights ng sasakyan). Para maiwasan ang panibagong banggaan o karagdagang aksidente habang hindi pa dumarating ang mga responder.
π€ 9. Hintayin ang pagdating ng MDRRMO, PNP, at BFP at ibigay ang lahat ng impormasyong alam mo tungkol sa nangyari.
β 10. Iwasang kumuha o magbahagi ng larawan at video ng biktima. Unahin ang pagtawag sa MDRRMO, PNP, o BFP kaysa sa pagkuha ng litrato o video. Igalang ang dignidad at privacy ng biktima. Ang maling paggamit o hindi awtorisadong pagbabahagi ng mga larawang may personal na impormasyon ay maaaring magkaroon ng legal na implikasyon sa ilalim ng Republic Act No. 10173 (Data Privacy Act of 2012).
π EMERGENCY CONTACT NUMBERS
MDRRMO Claveria
* Globe: 0955-679-7723
* Smart: 0946-894-9755
PNP Claveria
* 0998-598-6041
BFP Claveria
* 0946-755-6602
Tandaan: Ang layunin natin ay makatulong, hindi makadagdag sa pinsala. Ang tamang kilos sa unang mga minuto ng aksidente ay maaaring makapagligtas ng buhay.
MDRRMO Claveria
Handa sa Sakuna, Ligtas ang Bawat Isa.