31/08/2026
๐๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ฐ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ญ๐ข๐ฆ๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฐ๐๐ฅ๐! ๐๐ฎ๐ซ๐๐๐๐ ๐๐ฅ๐ฅ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐๐ข๐๐จ๐ฌ!
Sa paggunita natin sa Pambansang Araw ng mga Desaparecidos nitong Agosto 30, kinikilala at pinararangalan natin ang mga bayaning nagbuwis ng buhay at nakibaka para sa kalayaan at karapatan ng mamamayan.
Ang International Day of the Victims of Enforced Disappearances ay araw ng pagkilala at pag-alala sa mga biktima ng sapilitang pagkawalaโmga iligal na inaresto at idinitine, dinukot, pinaslang, at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin inililitaw. Hanggang ngayon, marami sa kanila ang nananatiling nawawala, habang ang kanilang mga pamilya ay patuloy na naghihintay ng katarungan at hustisya.
Patuloy ang ating panawagan na bigyang-katarungan ang mga biktima at pamilya ng mga desaparecidos. Hanggaโt patuloy na nilalabag ng estado ang karapatang pantao ng mamamayan, hindi mananahimik ang hanay ng mga kabataang estudyante at ang sambayanan. Kasama ang mamamayan, patuloy nating kakalampagin at lalabanan ang bulok na sistemang nagpapatuloy sa kultura ng pandarahas at kawalang-pananagutanโmula sa panahon ng diktadurang Marcos Sr. hanggang sa kasalukuyang rehimen ng kanyang anak, si Marcos Jr.
Sa loob ng ating pamantasan, kilala ang Southern Tagalog 10 bilang mga biktima ng sapilitang pagkawala. Sila ay dinakip ng mga armadong puwersa sa ilalim ng diktadurya ni Marcos Sr. noong 1977 sa ilalim ng batas militar na hanggang ngayon ay hindi pa rin naililitaw. Sila ay ilan lamang sa mga aktibista at indibidwal na pinaslang ng pasistang estado dahil sa kanilang paglaban sa mapanupil na sistema. Ang kanilang buhay ay hinding-hindi masasayang dahil magpapatuloy ang kanilang sinimulan sa bagong dugo ng pakikibaka ng sangkaestudyantehan at iigting pa lalo upang pabagsakin ang bulok na sistema.