Municipality of Concepcion, Tarlac

Municipality of Concepcion, Tarlac CONCEPCION, Tarlac -- linking the people and the government.
(1)

28/10/2025
45 GOAT RAISERS, NABIGYAN NG MGA KAMBING SA ILALIM NG DEVELOPMENT PROJECTNakatanggap ngayong araw ng tig-isang lalaking ...
28/10/2025

45 GOAT RAISERS, NABIGYAN NG MGA KAMBING SA ILALIM NG DEVELOPMENT PROJECT

Nakatanggap ngayong araw ng tig-isang lalaking kambing ang 45 goat raisers mula sa iba’t ibang barangay ng Concepcion sa ilalim ng Goat Development Project na isinagawa ng Municipal Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Roland Arciga, kasama rin si former SB Calvin Sardia sa Barangay Sta. Rita, Concepcion, Tarlac.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga goat raiser na mula sa mga barangay ng San Martin, Dutung-A-Matas, Talimundoc San Miguel, Sta. Rita, Talimundoc Marimla, San Nicolas Balas, Panalicsican, Magao, Sta. Rosa, Sta. Cruz, Calius Gueco, San Vicente, Pando, Balutu, Sto. Cristo, Sta. Maria, Lilibangan, Pitabunan, at San Bartolome.

Ayon kay Dr. Arciga, ang mga barangay na ito ay kadalasang binibisita ng kanilang tanggapan kung saan ang mga kambing ay native pa lamang o lokal na uri.

"Layunin ng proyekto na mapahusay ang lahi ng mga native goats upang magkaroon ng mas mabilis na paglaki, mas mabigat na timbang, at mas maagang maibenta, na makatutulong sa pagpapalago ng kabuhayan ng mga lokal na goat raisers," pahayag ni Dr. Arciga.

Ang aktibidad ay isinakatuparan sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion, sa pamumuno nina Mayor Noel Villanueva at VM Evelyn Rivera, bilang bahagi ng programa sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at livestock industry sa bayan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatibo, layon ng LGU na higit pang paigtingin ang suporta sa mga kababayan nating magsasaka at itaguyod ang sustainable livestock production sa bayan.


MGA KOOPERATIBA, NAGBIGAY-SIGLA SA GINANAP NA TRADE FAIRBilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month 2025, ginanap ...
26/10/2025

MGA KOOPERATIBA, NAGBIGAY-SIGLA SA GINANAP NA TRADE FAIR

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month 2025, ginanap noong Biyernes sa atrium ng Concepcion Municipal Government Center ang Trade Fair na nagtatampok ng mga produktong gawang Concepcionense.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Municipal Cooperatives Development Office (MCDO) sa pamumuno ni Atty. Angelica Amurao, katuwang ng kanyang masisipag na staff, Municipal Cooperative Development Council at sa supprta ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion.

Dinaluhan at sinuportahan ng mga cabalen ang aktibidad, kabilang na si Mayor Noel Villanueva na nagpahayag ng kanyang suporta sa mga kooperatiba bilang mahalagang katuwang ng LGU sa pagpapaunlad ng kabuhayan sa bayan.

May 20 kalahok mula sa iba’t ibang indibidwal at kooperatiba ang nagbenta ng kanilang mga produktong lokal tulad ng bigas, kakanin, calamansi juice, gulay, balut at penoy, itlog na maalat, chicharon, tocino, longganisa, walis, at marami pang iba — lahat ay abot-kaya at de-kalidad!

Layunin ng naturang aktibidad na palakasin at paigtingin ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka, kooperatiba, at maliliit na negosyante sa bayan ng Concepcion.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na itinataguyod ng pamahalaang bayan ang pagtangkilik sa mga produktong lokal at ang kooperatibong pagkilos tungo sa pag-unlad ng komunidad.


Republic Act No. 4136Land Transportation and Traffic Code. Section 32Bawal ang overloading! Huwag magsakay o maghakot ng...
25/10/2025

Republic Act No. 4136
Land Transportation and Traffic Code. Section 32

Bawal ang overloading! Huwag magsakay o maghakot ng kargang lampas sa rehistradong kapasidad ng sasakyan. Ang sobrang bigat ay maaaring magdulot ng pinsala sa sasakyan at panganib sa kalsada.

COURTESY CALL NG MGA BAGONG PULIS ASPIRANTSBinisita ng mga police cadets si Mayor Noel Villanueva sa kanyang tanggapan k...
24/10/2025

COURTESY CALL NG MGA BAGONG PULIS ASPIRANTS

Binisita ng mga police cadets si Mayor Noel Villanueva sa kanyang tanggapan kaninang hapon bilang simula ng kanilang landas sa matapat na serbisyo sa mga mamamayan ng Concepcion, Tarlac.


PITONG PARES, IKINASAL NI MAYOR NOEL VILLANUEVA  SA MAYOR’S OFFICE“Ang pagsasama ng mag-asawa ay hindi lang tungkol sa p...
24/10/2025

PITONG PARES, IKINASAL NI MAYOR NOEL VILLANUEVA SA MAYOR’S OFFICE

“Ang pagsasama ng mag-asawa ay hindi lang tungkol sa pag-ibig ngayon, kundi sa pagbuo ng kinabukasan. Kasama sa pangarap na iyon ang pagkakaroon ng pamilyang sabay ninyong aalagaan at iingatan," payo ni Mayor Villanueva sa pitong pares habang ikinakasal.

"Kaya habang maaga, maghanda at magsikap kayo para sa mas matatag na bukas. Ibigay ninyo sa inyong magiging mga anak ang isang tahanang puno ng saya, respeto, at pagmamahal, dahil sila ang magiging pinakamagandang bunga ng inyong pag-iibigan," dagdag pa ni MNLV.

Congratulations & best wishes!

36 NA MAGSASAKA, NAGTAPOS SA CLIMATE RESILIENT FARM BUSINESS SCHOOL – FARMERS FIELD SCHOOLNag-graduate ngayong araw ang ...
24/10/2025

36 NA MAGSASAKA, NAGTAPOS SA CLIMATE RESILIENT FARM BUSINESS SCHOOL – FARMERS FIELD SCHOOL

Nag-graduate ngayong araw ang 36 na magsasaka mula sa Climate Resilient Farm Business School – Farmers Field School (CRFBS–FFS) ng EJJOY Integrated Farm Training and Assessment Center, Magao, Concepcion, Tarlac.

Pinangunahan ang programa ng Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Mr. Juanito Lindo Jr., kasama si Dr. Roland Arciga ng Municipal Veterinary Office. Dumalo rin si Michael Salmos bilang kinatawan nina Amelita at Lowell mula sa DA-RFO 3, at si Mel Valdez bilang kinatawan ni Noel Regis.

Buong pusong binati nina Mayor Noel Villanueva at Vice Mayor Evelyn Rivera ang mga magsasakang nagtapos. Dumalo rin si SB Jayson Lagman na nagpahayag ng kanyang pagbati at paghanga sa pagsisikap ng mga kalahok.

Tumagal ng 18 linggo ang pagsasanay na may layuning palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa climate-resilient farming at agribusiness management.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion at ng Department of Agriculture sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa bayan.

24/10/2025
ORIENTASYON TUNGKOL SA DRUG-FREE WORKPLACE PROGRAM NGAYON SA LGU CONCEPCIONIsinasagawa ngayon ng Pamahalaang Bayan ng Co...
24/10/2025

ORIENTASYON TUNGKOL SA DRUG-FREE WORKPLACE PROGRAM NGAYON SA LGU CONCEPCION

Isinasagawa ngayon ng Pamahalaang Bayan ng Concepcion, sa pamamagitan ng Municipal Human Resource Management Office (MHRMO), ang orientasyon ukol sa Drug-Free Workplace Program at Skeletal Workforce Arrangement ngayong Oktubre 24, 2025 sa Don Alfredo De Leon Conference Hall.

Dumalo ang humigit-kumulang 30% na kawani mula sa bawat opisina o yunit bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga polisiya at alituntunin na naglalayong mapanatili ang isang ligtas, disiplinado, maayos, at drug-free na lugar ng trabaho.

Layon ng programang ito na higit pang mapatatag ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagtiyak na ang kapaligiran sa trabaho sa ating lokal na pamahalaan ay malusog, episyente, at nakatuon sa kapakanan ng bawat Concepcionense.


PABATID MULA SA DEPARTMENT OF EDUCATIONAlinsunod sa DepEd Executive Order No. 012, s. 2025, ipinatutupad ang Wellness Br...
24/10/2025

PABATID MULA SA DEPARTMENT OF EDUCATION

Alinsunod sa DepEd Executive Order No. 012, s. 2025, ipinatutupad ang Wellness Break para sa lahat ng g**o at mag-aaral mula Oktubre 27 hanggang Oktubre 30, 2025.

Layunin nito na bigyan ng sapat na panahon ang lahat upang makapagpahinga, makapag-recharge, at mapangalagaan ang kalusugan ng isip at katawan.

Huwag kalimutan: Balik klase ulit sa Nobyembre 3, 2025.

24/10/2025

𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐁𝐨𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐧𝐢𝐞𝐬 𝐜𝐨𝐫𝐫𝐮𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐜𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞𝐬 𝐚𝐟𝐭𝐞𝐫 𝐩𝐥𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐜𝐚𝐬𝐞 𝐟𝐢𝐥𝐞𝐝 𝐚𝐠𝐚𝐢𝐧𝐬𝐭 𝐡𝐢𝐦

TARLAC third district Representative Noel “Kap Bong” Rivera denies involvement in any kind of corruption after plunder, graft, and violation of procurement law complaints were filed against him and his wife, Concepcion Vice Mayor Evelyn Rivera before the Office of the Ombudsman by the founder of the United Pilipino Against Crime and Corruption (UPACC).
The complaints, filed on October 22, are over alleged collusion on government contracts worth close to P600 million.
“Mariin ko pong itinatanggi na ako po ay nasangkot sa anumang uri ng korapsyon. Malinis po ang aking konsensya, at handa ko pong sagutin at harapin kung ano man ang laman ng reklamong isinampa laban sa akin, sa sandaling matanggap ko na ang kumpletong impormasyon at mga kaukulang dokumento,” Rivera said in a statement.
UPACC founder and vlogger Pyra Lucas, one of the complainant, accused Rivera of signing around 30 government contracts for his own company.
Rivera said that he is ready to explain his side at the right time.
“Tungkol po sa mga kumakalat na ulat na nagsasabing may inihaing reklamo laban sa akin ang UPACC sa Tanggapan ng Ombudsman, nais kong linawin na wala pa po akong natatanggap na opisyal na kopya ng naturang reklamo hanggang sa ngayon… Kapag natanggap ko na ang opisyal na dokumento, ako po ay handa at bukas na makipagtulungan upang maipaliwanag ang aking panig sa tamang oras at sa wastong paraan,” Rivera said.
Department of Public Works and Highways Tarlac 1st District Engineer Neil Farala was the other respondent.---𝐓𝐒 𝐑𝐞𝐩𝐨𝐫𝐭𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐚𝐟𝐟

23/10/2025

Puhunan para sa negosyo o investment? Ginhawa FLEX ang sagot!
Flexible loan solution na akma sa pangangailangan mo.

Pinadali ang aplikasyon! I-download ang GSIS Touch App at mag-apply gamit ito para sa mabilis at madaling proseso.

Address

Concepcion
Concepcion
2316

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Concepcion, Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipality of Concepcion, Tarlac:

Share