01/10/2026
π€±π» BREASTFEEDING AND PREGNANCY LAY FORUM SEPTEMBER 30, 2026
Isinagawa noong September 30, 2026 ang Breastfeeding and Pregnancy Lay Forum sa Concepcion Municipal Building, na pinangunahan ng Concepcion Municipal Health Office, katuwang ang Barangay Nutrition Scholars (BNS), HRHβNDP Concepcion, at Provincial Health Office (PHO).
Layunin ng forum na mabigyan ang mga buntis at nagpapasusong ina ng tama, napapanahon, at praktikal na kaalaman tungkol sa wastong pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis, tamang nutrisyon, paghahanda para sa ligtas na panganganak, at wastong pagpapasuso.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng regular na prenatal check-up, pagkilala sa mga danger signs sa pagbubuntis, maternal nutrition, birth preparedness, exclusive breastfeeding, at tamang breastfeeding practices para sa kalusugan at kapakanan ng ina at sanggol.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy nating pinalalakas ang kaalaman, kumpiyansa, at kakayahan ng mga ina at pamilya na pangalagaan ang kanilang kalusugan at makapagbigay ng pinakamainam na pangangalaga sa kanilang mga anak.