22/07/2026
Ang LGU-Concepcion ay lubos na nag papasalamat sa pagkakaroon ng benepisyong LOVE Project
(Livelihood Opportunities and Viable Enterprise)
ng Department of Agriculture.
Layunin ng Programang ito ay mabigyan ng sustainable livelihood ang mga napiling magsasaka sa pamamagitan pamamahagi Paitluging manok na nagbibigay ng karagdagan kita. Dulot nito ay ang availability ng nabibiling fresh egg sa bawat komunidad.
Si Jesus Samin ay isa sa mga benepisyaryo na napagkalooban ng Free Range Chicken ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion.
Sya ay nakitaan ng pambihirang paglingap at pag-aalaga sa mga nasabing manok, na nakapagbigay ng karagdagang kita sa pamilya. Ang mga itlog na kanilang nakukuha sa araw-araw ay nilalako ng kanyang asawa sa mga bahay-bahay.
Ang Municipal Veterinary Office, sa Pangangasiwa ni Dr. Roland Arciga ay nagpapasalamat kina, Dr. Eduardo Lapuz ,Regional Director DA-RFU-3 Sir Gil David, Regional livestock Coordination Dra. Lorna Baculanta- Provincial Veterinarian sa pag-endorso sa nasabing Farmer .Kami po ay umaasa na dadami pa ang mga benipisyaro sa susunod pang proyekto ng kagarawan ng Agrikulture.