15/12/2025
SA AMING MINAMAHAL NA KOSTUMER:
Alinsunod sa pagsunod sa mga pamantayang proseso na namamahala sa mga transaksyon at nagtitiyak ng pare-pareho at episyenteng operasyon sa lahat ng water districts, ang Concepcion Water District ay magsasagawa ng pag-update sa proseso ng pagsingil upang umayon sa Commercial Practice System (CPS) ng Local Water Utilities Administration (LWUA).
Dahil dito, ipinapaalam po namin na magkakaroon ng pagbabago sa iskedyul ng pagbabasa ng metro mula Enero 2026 hanggang Marso 2026. Ang pagbabagong ito ay magreresulta sa 2–3 araw na pagkaantala sa pagbabasa ng metro bawat buwan sa nasabing panahon, hanggang sa makumpleto ang paglipat sa bagong regular na iskedyul ng pagsingil.
Bukod dito, kayo rin po ay bibigyan ng bagong Account Number, na makikita sa inyong Water Bill Statement of Account (SOA).
Ang pinal na regular na iskedyul ng pagbabasa ng metro ay magsisimula sa Mayo 2026.
Para sa karagdagang katanungan, maaari po kayong tumawag sa aming Customer Service sa (045) 923-0430 o bumisita sa aming Main Office mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h. Maaari rin po kayong magpadala ng mensahe sa aming opisyal na page: Concepcion Water District.
Pinahahalagahan po namin ang inyong pag-unawa at pakiki-isa.
Maraming Salamat po.