02/07/2026
LIBRENG MATH TUTORIAL PARA SA GRADE 7–10!
Isang magandang balita para sa ating mga mag-aaral!
Si Sir Jaime Vitug ng Benigno S. Aquino National High School – Mathematics Department ay nakipag-ugnayan sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Pitabunan upang maisakatuparan ang isang LIBRENG Math Tutorial Program para sa mga Grade 7 hanggang Grade 10 na nais mapalawak ang kanilang kaalaman at mas mapabuti ang kanilang performance sa Mathematics.
📅 Ang tutorial ay gaganapin tuwing Sabado.
📢 Magbibigay kami ng update sa eksaktong petsa, oras, venue, at kung kailan magsisimula ang programa.
✅ Libre ito at bukas para sa lahat ng Grade 7–10 learners na nangangailangan ng tulong sa Math.
Patuloy na makipag-ugnayan sa aming page para sa mga susunod na anunsyo.