Municipal Treasury Services Office Coron, Palawan

Municipal Treasury Services Office Coron, Palawan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Treasury Services Office Coron, Palawan, Government Organization, Coron.

The Municipal Treasury Services Office official page provides information and education about the different activities conducted to enhance communication among personnel, stakeholders and clients.

13/01/2026

πŸ“’ πŒπ€π‡π€π‹π€π†π€ππ† 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 ππ‘πŽππ„π‘π“π˜ πŽπ–ππ„π‘π’ 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍

Hinihikayat ang lahat ng may-ari ng lupa, bahay, at iba pang ari-ariang hindi natitinag (Real Property Tax) na magbayad ng buwis sa tamang oras.

β˜‘οΈMaaaring bayaran nang buo o quarterly basis.

β˜‘οΈMay 10% discount sa maagang pagbabayad o prompt payment sa current year 2026 mula January 2 hanggang March 31, 2026 at 20% discount sa advance payment para sa taong 2027.

May surcharge at interest ang late payment.

Magtungo sa Municipal Treasurer's Office o sa Provincial Treasurer's Offfice para sa tamang pagbabayad.

Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan sa inyong munisipyo.

Magbayad nang maaga para maiwasan ang multa.

Umiwas sa problema, ilayo sa Public Auction ang mga pinaghirapang mga ari-arian.  Tipid ka na, updated ka pa! Huwag pala...
09/12/2025

Umiwas sa problema, ilayo sa Public Auction ang mga pinaghirapang mga ari-arian. Tipid ka na, updated ka pa! Huwag palampasin ang pagkakataon, hanggang Disyembre 29, 2025 lamang!

22/04/2025
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1124271479711780&id=100063868150859&mibextid=Nif5oz
21/03/2025

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1124271479711780&id=100063868150859&mibextid=Nif5oz

10% DISCOUNT, ALOK PARA SA MAAGANG PAGBABAYAD NG REAL PROPERTY TAX PARA SA 2025

MAGBIBIGAY ang Office of the Provincial Treasurer (OPT) ng Pamahalaang Panlalawigan ng sampung (10) porsyentong diskwento para sa lahat ng real property taxpayers na mas maagang magbabayad ng kanilang buwis.

Ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, pinaaalalahanan ng OPT ang lahat ng may-ari ng lupa at ari-arian na samantalahin ang opotunidad na makakuha ng diskwento na magtatagal hanggang ika-31 ng Marso, taong kasalukuyan.

Layunin nitong hikayatin ang mga Palawenyo na magbayad ng buwis sa takdang panahon upang makakuha ng diskwento sa pagbabayad ng kanilang amilyar o real tax property.

Ipinapanawagan din sa lahat ng taxpayers na samantalahin ang dalawang taong tax amnesty batay sa Provincial Ordinance No. 3531, Series of 2024, na alinsunod sa Republic Act 12001 o ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA), na tatagal naman hanggang buwan ng Hulyo ng susunod na taon.

Walang karagdagang multa o interes sa pagbabayad ng buwis ng nakaraang taon na maaaring mabayaran ng hulugan o buo base sa sinasaad ng nasabing batas. Ito ay nakabatay sa kasunduan ng taxpayer at ng Pamahalaang Panlalawigan na nilagdaan ni Gobernador Victorino Dennis M. Socrates.

Dalhin ang mga kinakailangang dokumento para sa pagbabayad ng amilyar tulad ng nakaraang resibo, real property tax clearance, at computation galing sa Municipal Treasurer’s Office.

Samantala, magtungo lamang sa Office of the Provincial Treasurer upang personal na magbayad, at para sa iba pang katanungan. Para sa online payment options, maaaring magbayad sa pamamagitan ng Landbank Link.BizPortal, pillin ang Provincial Government of Palawan. | via Samuel Macmac

25/01/2025

| PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, HINIHIKAYAT ANG LAHAT NG REAL PROPERTY TAXPAYERS SA PALAWAN NA TANGKILIKIN ANG 2- YEAR TAX AMNESTY

Hinihikayat ng Office of the Provincial Treasurer (OPT) at Provincial Assessor’s Office (PAssO) ng Pamahalaang Panlalawigan ang lahat ng mga real property taxpayers sa Palawan na tangkilikin ang 2-Year Tax Amnesty para sa pagbabayad ng kaukulang buwis alinsunod sa Republic Act 12001, o Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA).

Layon ng batas na ito na tulungan ang mga real property taxpayers na mabawasan ang kanilang obligasyon sa buwis nang walang interes at mapalakas ang koleksiyon ng buwis upang magamit sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at serbisyong pangkaunlaran sa mga lokalidad.

Sa layuning pagtibayin ang naturang batas sa Palawan ay nilagdaan ni Gob. Dennis M. Socrates ang Provincial Ordinance No. 3531, series of 2024 o β€œGranting Tax amnesty on real Property Taxes and Special Levies and Real Property Covering Penalties, Surcharges, and Interest from All Unpaid Real Property Taxes in the Province of Palawan, Adopting Section 30 of Republic Act 12001, otherwise known as the β€œReal Property Valuation Reform Act (RPVARA)” and Appropriating Funds Thereof”.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, maaaring bayaran nang buo o hulugan ang mga kasalukuyang buwis at mga hindi pa nababayarang buwis mula sa mga nakaraang taon. Ang pagbabayad ay maaaring gawin nang walang karagdagang multa o interes batay sa napagkasunduang kontrata sa pagitan ng taxpayer at ng pamahalaan, na maaaring tumagal hanggang Hulyo 2026.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Office of the Provincial Treasurer o Provincial Assessor’s Office na matatagpuan sa Provincial Capitol Building, Puerto Princesa City. (Jayson Venturillo)



26/12/2024
Sa lahat po ng nais magbayad ng may 10% discount, maari pong magtanong at magbayad sa Municipal Treasury Services Office...
11/03/2024

Sa lahat po ng nais magbayad ng may 10% discount, maari pong magtanong at magbayad sa Municipal Treasury Services Office, Coron, Palawan.

Address

Coron

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Treasury Services Office Coron, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Treasury Services Office Coron, Palawan:

Share