CORON Municipal Health Office

CORON Municipal Health Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CORON Municipal Health Office, Public & Government Service, Brgy. II (Poblacion), Coron.
(1)

26/03/2026
UGNAYAN SA BARANGAY – BRGY. MARCILLAIsang matagumpay na Ugnayan sa Barangay ang isinagawa ngayong araw sa Barangay Marci...
12/03/2026

UGNAYAN SA BARANGAY – BRGY. MARCILLA

Isang matagumpay na Ugnayan sa Barangay ang isinagawa ngayong araw sa Barangay Marcilla,handog ni Mayor Marjo T. Reyes,katuwang ang Municipal Health Office (MHO) Coron at iba pang opisina ng Coron LGU.

Isa sa Layunin ng programang ito na maihatid ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan direkta sa ating mga kabarangay, kabilang ang:

🩺Libreng Konsultasyon at Libreng gamot
🩺 Pagsusuri sa kalusugan ng mga PWD & Senior Citizen.
🫄Libreng Ultrasound
🫶 Mental Health Patients checkup & Follow up
🩸Libreng laboratoryo at pagsusuri ng uri ng Dugo
🏥Philhealth Yakap Caravan

At iba pang serbisyong medical para sa mga taga Barangay Marcilla sa tulong ng ating mga Magagaling at Masisipag na Doctor.

Lubos na pasasalamat kay Dr. Alan R Guintapan, Dra Chianne Paredes at Dr. Marlon Jonas Obispado na kumonsulta sa ating mga mahal na mamamayan ng Barangay Marcilla.

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap at sa walang sawang suporta ng ating mga health workers.

Sama-sama nating isulong ang malusog at masiglang Coron!




📢 PAALALA MULA SA MUNICIPAL HEALTH OFFICE NG CORON  Ipinababatid sa lahat ng residente ng Coron na inaasahan ang mataas ...
04/03/2026

📢 PAALALA MULA SA MUNICIPAL HEALTH OFFICE NG CORON

Ipinababatid sa lahat ng residente ng Coron na inaasahan ang mataas na heat index sa ating lugar. Kaugnay nito, hinihikayat ang publiko na magsagawa ng mga kaukulang pag-iingat upang maiwasan ang masamang epekto ng matinding init sa kalusugan.

Pinapayuhan ang lahat na:
• Uminom ng sapat at madalas na tubig;
• Iwasan ang direktang pagbibilad sa araw, lalo na mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM;
• Magsuot ng magaan, presko, at maluluwag na damit;
• Gumamit ng payong, sumbrero, at sunscreen kung kinakailangang lumabas.

Kung makaranas ng mga sintomas tulad ng matinding pagkahilo, pagsusuka, mataas na temperatura ng katawan, panghihina, o pagkawala ng malay, agad na magtungo sa pinakamalapit na health center o ospital para sa agarang lunas.

Inaanyayahan ang lahat na manatiling mapagmatyag at makiisa sa pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan ng bawat isa.

📢 PAALALA SA MGA CORONIANS 📢🔥 Ang mataas na heat index ay maaaring magdulot ng:• Heat cramps• Heat exhaustion• Heat stro...
04/03/2026

📢 PAALALA SA MGA CORONIANS 📢

🔥 Ang mataas na heat index ay maaaring magdulot ng:
• Heat cramps
• Heat exhaustion
• Heat stroke

Mga Paalala:
✅ Uminom ng maraming tubig kahit hindi nauuhaw
✅ Iwasan ang direktang pagbibilad sa araw mula 10:00 AM – 4:00 PM
✅ Magsuot ng preskong at magaan na damit
✅ Gumamit ng payong, sumbrero, o sunscreen kapag lalabas
✅ Bantayan ang mga bata, matatanda, at may karamdaman

Kung makararanas ng matinding pagkahilo, pagsusuka, o pagkawala ng malay, agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital.

Mag-ingat po tayong lahat at manatiling ligtas.

The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration on Wednesday warned that Coron, Palawan will have a “danger level” heat index on Thursday, March 5, Thursday.

Based on the state weather bureau’s 5 PM bulletin, the synoptic stations in Coron, Palawan will measure a 42°C heat index.

Read the article in the comments section for more details.

27/01/2026

Ang parangal na ito ay sumasalamin sa sama-samang pagsisikap ng buong MHO team sa pagbibigay ng makatao, inklusibo, at dekalidad na serbisyong pangkalusugang pangkaisipan para sa komunidad.

🏆 CONGRATULATIONS, MUNICIPAL HEALTH OFFICE OF CORON! 🏆Lubos po naming ikinararangal ang pagkilala sa Municipal Health Of...
27/01/2026

🏆 CONGRATULATIONS, MUNICIPAL HEALTH OFFICE OF CORON! 🏆

Lubos po naming ikinararangal ang pagkilala sa Municipal Health Office of Coron bilang isa sa mga tumanggap ng The Green Ribbon Award mula sa National Center for Mental Health – Public Health Unit, bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon at adbokasiya sa larangan ng Mental Health.

Ang parangal na ito ay bunga ng mahusay at masigasig na pamumuno ni Dr. Alan R. Guintapan, ang ating Municipal Health Officer,katuwang ang ating Mental Health Nurse na si Angelica Pinoon Ducado at ng sama-samang pagsisikap ng buong MHO team sa patuloy na pagtataguyod ng dekalidad at makataong serbisyong pangkalusugang pangkaisipan ng ating mamayan dito sa bayan ng Coron.

Patuloy ang aming paglilingkod at malasakit sa bawat Coronians.
Isang malaking karangalan ito hindi lamang para sa tanggapan kundi para sa buong bayan ng Coron.

Happy happy Birthday, Dr. Alan Guintapan!Warmest greetings on your special day. We sincerely thank you for your dedicate...
26/01/2026

Happy happy Birthday, Dr. Alan Guintapan!

Warmest greetings on your special day. We sincerely thank you for your dedicated service, leadership, and unwavering commitment to the health and well-being of our community. May this year bring you good health, continued success, and fulfillment in all that you do. Wishing you happiness and many more years of meaningful service. 🎉

We Loveyou Doc Alan❤️

UGNAYAN SA BARANGAY – BRGY. GUADALUPEIsang matagumpay na Ugnayan sa Barangay ang isinagawa ngayong araw sa Barangay GUAD...
16/12/2025

UGNAYAN SA BARANGAY – BRGY. GUADALUPE

Isang matagumpay na Ugnayan sa Barangay ang isinagawa ngayong araw sa Barangay GUADALUPE,handog ni Mayor Marjo T. Reyes,katuwang ang Municipal Health Office (MHO) Coron at iba pang opisina ng Coron LGU.

Isa sa Layunin ng programang ito na maihatid ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan direkta sa ating mga kabarangay, kabilang ang:

🩺Libreng Konsultasyon at Libreng gamot
🩺 Pagsusuri sa kalusugan ng mga PWD & Senior Citizen
🫶 Mental Health Patients checkup & Follow up
🩸Libreng laboratoryo at pagsusuri ng uri ng Dugo

At iba pang serbisyong medical para sa mga taga Barangay Guadalupe

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap at sa walang sawang suporta ng ating mga health workers at volunteers!

Sama-sama nating isulong ang malusog at masiglang Coron!




Address

Brgy. II (Poblacion)
Coron
5316

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CORON Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CORON Municipal Health Office:

Share