SGADA - BARMM

SGADA - BARMM The Official page of the Special Geographic Area Development Authority, BARMM.

20/08/2026

๐Œ๐ž๐ž๐ญ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐Œ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐ž๐ฌ ๐’๐ฉ๐ž๐š๐ค๐ž๐ซ!

Ustadh Samer T. Badawi

Ustadh Samer T. Badawi is the College of Islamic Law (Faculty and Sharia) Imam Muhammad Ibn Saud Islamic University Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia (KSA)

Title: "๐‘จ๐’‰๐’Œฤ๐’Ž ๐’‚๐’-แนฌ๐’‚๐’‰ฤ๐’“๐’‚๐’‰: ๐‘ด๐’ˆ๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’” ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’Š๐’๐’Š๐’”, ๐‘ท๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’‚๐’๐’Š๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ฏ๐’‚๐’…๐’‚๐’•๐’‰ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ต๐’‚๐’‹ฤ๐’”๐’‚๐’‰"
August 20, 2026 / 2:00PM

at The SGADA Office

SGADA Team, see you!



๐๐„๐€๐‚๐„ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐Ž๐‘๐€๐‹ ๐•๐€๐‹๐”๐„๐’ ๐‹๐„๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐’๐€ ๐’๐†๐€๐ƒ๐€ ๐Ÿ“š๐Ÿ—ฃ๏ธSamahan kami ngayong Huwebes, alas dos ng hapon, para sa isa na namang makabu...
20/08/2026

๐๐„๐€๐‚๐„ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐Ž๐‘๐€๐‹ ๐•๐€๐‹๐”๐„๐’ ๐‹๐„๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐’๐€ ๐’๐†๐€๐ƒ๐€ ๐Ÿ“š๐Ÿ—ฃ๏ธ

Samahan kami ngayong Huwebes, alas dos ng hapon, para sa isa na namang makabuluhang talakayan sa ating Peace and Moral Values Lecture Series.

๐Ÿ“– Ahkฤm al-แนฌahฤrah: Mga Batas sa Paglilinis, Pag-aalis ng Hadath at Pagtanggal ng Najฤsah

๐ŸŽ™๏ธ Muhadir: Ustadh Samer T. Badawi

Si Ustadh Samer T. Badawi ay nagtapos sa College of Islamic Law (Kulliyyat al-Sharฤซโ€˜ah) ng Imam Muhammad ibn Saud Islamic University sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.

Sa talakayang ito, ating palalalimin ang kaalaman hinggil sa kahalagahan ng แนฌahฤrah o kadalisayan at paglilinis sa Islam, kabilang ang mga batas at wastong pamamaraan ng pag-aalis ng Hadath at Najฤsah bilang mahalagang bahagi ng pagsasagawa ng ibaโ€™t ibang uri ng Ibada.

Layunin ng programang ito na patatagin ang moral values at pananampalataya ng bawat kawani ng tanggapan tungo sa mas matatag na paglilingkod sa mamamayang Bangsamoro.

๐Ÿ”ด Manood LIVE sa official page ng SGADA-BARMM
๐Ÿ—“๏ธ Every Thursday | 2:00 PM

๐’๐†๐€๐ƒ๐€, ๐๐ˆ๐๐€๐†๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐Œ๐Ž๐‘๐€๐‹ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐€๐๐‚๐„ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐…๐‘๐€๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“๐’ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐†๐ˆ๐“๐€๐ ๐๐† ๐Ž๐๐’๐ˆ๐“๐„ ๐ƒ๐€โ€™๐–๐€๐‡ Isinagawa ng Special...
18/08/2026

๐’๐†๐€๐ƒ๐€, ๐๐ˆ๐๐€๐†๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐Œ๐Ž๐‘๐€๐‹ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐€๐๐‚๐„ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐…๐‘๐€๐’๐“๐‘๐”๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“๐’ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐†๐ˆ๐“๐€๐ ๐๐† ๐Ž๐๐’๐ˆ๐“๐„ ๐ƒ๐€โ€™๐–๐€๐‡

Isinagawa ng Special Geographic Area Development Authority (SGADA), sa pamamagitan ng Peace and Moral Values Division, ang kauna-unahang pagpupulong ng mga contractors at Moral Values Project Officers (MVPOs) nitong August 12, 2026 sa SGADA Office, Cotabato City, bilang bahagi ng pagpapatibay ng Moral Governance sa implementasyon ng mga infrastructure projects sa Special Geographic Area (SGA).

Sa pagpupulong, nagbigay ng updates ang mga contractors hinggil sa progreso ng kanilang mga proyekto at ibinahagi ang mga hamon na kanilang kinakaharap sa aktuwal na implementasyon. Samantala, tungkulin ng mga MVPOs na magsagawa ng regular na onsite Daโ€™wah at magbigay ng gabay sa mga manggagawa hinggil sa mga pangunahing aral ng Islam na pinagmumulan ng katapatan, disiplina, pananagutan sa proyekto, at mabuting asal sa lugar ng trabaho.

Itinampok din sa pagpupulong ang unang buwan na pasahod para sa mga MVPOs na napapaloob sa halaga ng proyekto (Program of Works), na nagpapatunay na ang Moral Governance ay hindi lamang salita kundi isang programang may kaakibat na paglalaan ng pondo para sa katuparan nito.

Bahagi rin ng kanilang responsibilidad ang pagmomonitor at pag-oobserba sa pagsasagawa ng Islamic values sa project sites sa konteksto ng Safety First, kabilang ang pagbibigay-diin sa Taharah (Kalinisan at Kaayusan) at iba pang gawaing nakatutulong sa pagpapatibay ng moralidad ng mga project personnel.

Sa pamamagitan nito, nagsisilbi silang katuwang ng project implementers sa pagpapanatili ng isang work environment na naaayon sa prinsipyo ng Moral Governance. Ang onsite Daโ€™wah ay bahagi ng limang-buwang programa para sa contractors, engineers, skilled workers, at laborers.

Saklaw ng inisyatiba ang 12 infrastructure project areas sa SGA. Sa pamamagitan ng regular na koordinasyon ng contractors at MVPOs, layunin ng SGADA na matukoy hindi lamang ang mga operational challenges ng proyekto kundi maging ang mga usaping may kaugnayan sa moral at ethical conduct sa implementation.

Itinuturing itong isang bagong hakbang sa pagsusulong ng Moral Governance sa BARMM na binibigyang-diin ang pagpapaunlad ng imprastraktura ay hindi lamang tungkol sa pagtatayo ng mga pisikal na estruktura, kundi maging sa paghubog ng kultura ng integridad, pananagutan, disiplina, at mga pagpapahalagang Islamiko sa lahat ng kasangkot sa pagpapatupad ng mga proyekto.

Ang Daโ€™wah On Site ay isang pangunahing programa na pinasimulan ng dating SGADA Administrator na si MP Butch P. Malang sa pagpapatupad ng mga SGA Infrastructure Projects. Ito ay nagsisilbing patunay ng kanyang pagtugon sa panawagan para sa Moral Governance na ipinakilala ng dating Chief Minister na si Ahod B. Ebrahim at patuloy na isinasagawa at pinauunlad sa ilalim ng pamumuno ng kasalukuyang Chief Minister na si Abdulraof A. Macacua.

Matapos ang pamumuno ni MP Butch P. Malang, ang SGADA ay kasalukuyang pinamamahalaan ni MP Mohammad Kelie U. Antao, sa ilalim ng kanyang pamumuno ay patuloy na isinasagawa at pinatitibay ang programa bilang bahagi ng pangako ng Authority na maisabuhay at maisama ang Moral Governance sa aktuwal na pagpapatupad ng mga infrastructure projects sa buong Special Geographic Area (SGA).

13/08/2026

๐Œ๐ž๐ž๐ญ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐Œ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐ž๐ฌ ๐’๐ฉ๐ž๐š๐ค๐ž๐ซ!

Ustadh Hassan Edzla Edris

Ustadh Hassan Edzla Edris is the Kulliyatul Huffaz Al-Academiyyah's Board of Directors and faculty member, he also serves as the Dean of the College of Qurโ€™an. He earned both his Doctoral and Masterโ€™s degrees from Jamiat Cotabato, specializing in Tarbiyah with a focus on Qism al-Manahij wa Turuq al-Tadris. He completed his Bachelorโ€™s degree in College of Hadith and Islamic Studies from Islamic University of Madinah, Kingdom of Saudi Arabia, where he developed a strong foundation in Islamic scholarship and education.

Title: "๐‘ป๐’‰๐’† ๐‘ต๐’๐’ƒ๐’๐’† ๐’„๐’‰๐’‚๐’“๐’‚๐’„๐’•๐’†๐’“ ๐’๐’‡ ๐‘ท๐’“๐’๐’‘๐’‰๐’†๐’• ๐‘ด๐’–๐’‰๐’‚๐’Ž๐’Ž๐’‚๐’… ๏ทบ" (Part III)
August 13, 2026 / 2:00PM

at The SGADA Office

SGADA Team, see you!



๐๐„๐€๐‚๐„ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐Ž๐‘๐€๐‹ ๐•๐€๐‹๐”๐„๐’ ๐‹๐„๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐’๐€ ๐’๐†๐€๐ƒ๐€ ๐Ÿ“š๐Ÿ—ฃ๏ธSamahan kami mamaya, alas dos ng hapon para sa pagpapatuloy ng makabuluhang t...
13/08/2026

๐๐„๐€๐‚๐„ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐Ž๐‘๐€๐‹ ๐•๐€๐‹๐”๐„๐’ ๐‹๐„๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐’๐€ ๐’๐†๐€๐ƒ๐€ ๐Ÿ“š๐Ÿ—ฃ๏ธ

Samahan kami mamaya, alas dos ng hapon para sa pagpapatuloy ng makabuluhang talakayan sa Peace and Moral Values Lecture Series.

๐Ÿ“– The Noble Character of Prophet Muhammad ๏ทบ โ€” Part 3

๐ŸŽ™๏ธ Muhadir: Sheikh Hassan Edzla Edris

Sa ikatatlong pagkakataon, tatalakayin sa sesyong ito ang mararangal na katangian at dakilang halimbawa ni Propeta Muhammad ๏ทบ bilang gabay sa pagpapalalim ng pananampalataya at pagsasabuhay ng mabuting asal sa ating pang-araw-araw na buhay.

Layunin ng programang ito na patatagin ang moral values at pananampalataya ng bawat kawani ng tanggapan tungo sa mas matatag na paglilingkod sa mamamayang Bangsamoro.

๐Ÿ”ด Manood LIVE sa official page ng SGADA-BARMM
๐Ÿ—“๏ธ August 13, 2026 | 2:00 PM
๐Ÿ“ Special Geographic Area Development Authority (SGADA) Office

๐Œ๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Š๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐š๐ง ๐ง๐ข ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐ž๐ญ๐š ๐Œ๐ฎ๐ก๐š๐ฆ๐ฆ๐š๐ ๏ทบ, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐›๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง๐ -๐๐ข๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ž๐š๐œ๐ž ๐š๐ง๐ ๐Œ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐ž๐ฌ ๐‹๐ž๐œ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐ฌ๐š ๐’๐†๐€๐ƒ๐€Ipinagpatul...
13/08/2026

๐Œ๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Š๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐š๐ง ๐ง๐ข ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐ž๐ญ๐š ๐Œ๐ฎ๐ก๐š๐ฆ๐ฆ๐š๐ ๏ทบ, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐›๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง๐ -๐๐ข๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ž๐š๐œ๐ž ๐š๐ง๐ ๐Œ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐ž๐ฌ ๐‹๐ž๐œ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐ฌ๐š ๐’๐†๐€๐ƒ๐€

Ipinagpatuloy sa Peace and Moral Values Lecture Series ng Special Geographic Area Development Authority (SGADA) ang talakayan hinggil sa โ€œThe Noble Character of Prophet Muhammad ๏ทบ,โ€ na muling inihatid ni Sheikh Bukhari Yahya Camama bilang pagpapatuloy ng talakayan noong nakaraang Huwebes.

Sa pagpapatuloy ng kanyang muhadarah, binigyang-diin ni Sheikh Bukhari ang ilang natatanging katangian ni Propeta Muhammad ๏ทบ na maaaring magsilbing huwaran sa bawat Muslim, partikular ang kanyang pagiging mapagkumbaba at down-to-earth, pagiging maaasahan, at pagkakaroon ng hayaa o kahinhinan.

๐‘ด๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’–๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’ƒ๐’‚ ๐’‚๐’• ๐‘ฏ๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐‘ด๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’”

Isa sa mga katangiang binigyang-diin ay ang pagiging simple, mapagkumbaba, at hindi mapagmataas ni Propeta Muhammad ๏ทบ. Sa kabila ng kanyang mataas na katayuan bilang Sugo ng Allah, hindi ito naging dahilan upang siya ay maging mayabang o ilayo ang sarili sa mga ordinaryong tao.

Sa halip, ipinakita niya ang isang pamumuhay na simple at malapit sa kanyang mga kasamahan at komunidad. Ang kanyang pagiging down-to-earth ay nagpapakita na ang tunay na kadakilaan ay hindi nasusukat sa katayuan, kayamanan o kapangyarihan, kundi sa kabutihan ng asal at pagsunod sa Allahu Taโ€™ala.

๐‘ด๐’‚๐’‚๐’‚๐’”๐’‚๐’‰๐’‚๐’

Tinalakay rin ni Sheikh Bukhari ang pagiging maaasahan ni Propeta Muhammad ๏ทบ sa iba't ibang usapin at kalagayan. Ang kanyang pagiging mapagkakatiwalaan ay bahagi ng mga katangiang nakilala sa kanya maging bago pa man ang kanyang pagiging Propeta.

Sa kanyang pakikitungo sa mga tao, ipinakita niya ang pagiging responsable sa mga ipinagkatiwala sa kanya at pagiging handang tumulong sa mga nangangailangan. Ang katangiang ito ay nagsisilbing paalala na ang isang mabuting Muslim ay dapat maging taong mapagkakatiwalaan sa salita, gawa, at tungkulin.

๐‘ฏ๐’‚๐’š๐’‚๐’‚ โ€” ๐‘ฒ๐’‚๐’‰๐’Š๐’๐’‰๐’Š๐’๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’‚๐’‰๐’Š๐’š๐’‚๐’Š๐’

Isa sa mga natatanging katangiang binigyang-pansin sa talakayan ay ang hayaa, o kahinhinan at pagkamahiyain. Ayon sa talakayan, ang hayaa ay hindi lamang simpleng pagiging mahiyain, kundi isang marangal na katangian na nag-uudyok sa isang tao na umiwas sa mga bagay na hindi kalugud-lugod sa Allahu Taโ€™ala.

Ang tatlong katangiang ito, pagiging mapagkumbaba, pagiging maaasahan, at pagkakaroon ng hayaa ay bahagi ng marangal na karakter na ipinakita ni Propeta Muhammad ๏ทบ at nagsisilbing gabay sa paghubog ng isang Muslim na may mabuting asal at matatag na pananampalataya.

Sa naunang talakayan, binigyang-diin na ang Propeta Muhammad ๏ทบ ay pinakamainam na huwaran sa pananampalataya at mabuting pag-uugali. Ang pagpapatuloy ng lecture ay muling nagpaalala na ang pagmamahal sa Propeta ay hindi lamang sa salita, kundi higit na naipapakita sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang Sunnah at pagsasabuhay ng kanyang mga mararangal na katangian.

06/08/2026

๐Œ๐ž๐ž๐ญ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐Œ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐ž๐ฌ ๐’๐ฉ๐ž๐š๐ค๐ž๐ซ!

Sheikh Bukhari Yahya Camama

Sheikh Bukhari Yahya Camama A graduate of the College of the Holy Qur'an and Islamic Studies, Islamic University of Madinah, Kingdom of Saudi Arabia.

Title: "๐‘ป๐’‰๐’† ๐‘ต๐’๐’ƒ๐’๐’† ๐’„๐’‰๐’‚๐’“๐’‚๐’„๐’•๐’†๐’“ ๐’๐’‡ ๐‘ท๐’“๐’๐’‘๐’‰๐’†๐’• ๐‘ด๐’–๐’‰๐’‚๐’Ž๐’Ž๐’‚๐’… ๏ทบ"
August 06, 2026 / 2:00PM

at The SGADA Office

SGADA Team, see you!



๐๐„๐€๐‚๐„ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐Ž๐‘๐€๐‹ ๐•๐€๐‹๐”๐„๐’ ๐‹๐„๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐’๐€ ๐’๐†๐€๐ƒ๐€ ๐Ÿ“š๐Ÿ—ฃ๏ธSamahan kami mamaya, alas dos ng hapon para sa pagpapatuloy ng talakayan mula...
06/08/2026

๐๐„๐€๐‚๐„ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐Ž๐‘๐€๐‹ ๐•๐€๐‹๐”๐„๐’ ๐‹๐„๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐’๐€ ๐’๐†๐€๐ƒ๐€ ๐Ÿ“š๐Ÿ—ฃ๏ธ

Samahan kami mamaya, alas dos ng hapon para sa pagpapatuloy ng talakayan mula sa nakaraang Huwebes sa ating Peace and Moral Values Lecture Series.

๐Ÿ“– The Noble Character of Prophet Muhammad (Peace Be Upon Him) (Continuation)

๐ŸŽ™๏ธ Muhadir: Sheikh Bukhari Yahya Camama

Ipagpapatuloy sa sesyong ito ang pagbabahagi ng mahahalagang aral tungkol sa mararangal na katangian ni Propeta Muhammad ๏ทบ at kung paano maisasabuhay ang kanyang mga halimbawa sa ating pang-araw-araw na buhay bilang mga Muslim.

Layunin ng programang ito na patatagin ang moral values at pananampalataya ng bawat kawani ng tanggapan tungo sa mas matatag na paglilingkod sa mamamayang Bangsamoro.

๐Ÿ”ด Manood LIVE sa official page ng SGADA-BARMM
๐Ÿ—“๏ธ August 6, 2026 | 2:00 PM
๐Ÿ“ Special Geographic Area Development Authority (SGADA) Office

๐’๐†๐€๐ƒ๐€, ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐€๐๐† ๐’๐ˆ๐’๐“๐„๐Œ๐€ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐†๐ˆ๐“๐€๐ ๐๐† ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐‹ ๐€๐”๐ƒ๐ˆ๐“, ๐‘๐ˆ๐’๐Š ๐Œ๐€๐๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“, ๐€๐“ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐‹ ๐‚๐Ž๐๐“๐‘๐Ž๐‹ ๐Œ๐„๐‚๐‡...
03/08/2026

๐’๐†๐€๐ƒ๐€, ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐€๐๐† ๐’๐ˆ๐’๐“๐„๐Œ๐€ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐†๐ˆ๐“๐€๐ ๐๐† ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐‹ ๐€๐”๐ƒ๐ˆ๐“, ๐‘๐ˆ๐’๐Š ๐Œ๐€๐๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“, ๐€๐“ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐‹ ๐‚๐Ž๐๐“๐‘๐Ž๐‹ ๐Œ๐„๐‚๐‡๐€๐๐ˆ๐’๐Œ

Davao City - Mas pinalakas ng Special Geographic Area Development Authority (SGADA) ang sistema ng good governance sa pamamagitan ng pagsasagawa ng โ€œ๐˜š๐˜Ž๐˜ˆ๐˜‹๐˜ˆ-๐˜‰๐˜ˆ๐˜™๐˜”๐˜” ๐˜๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ˆ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต, ๐˜™๐˜ช๐˜ด๐˜ฌ ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜”๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ฎ ๐˜–๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏโ€ mula July 21โ€“23, 2026 sa Davao City.

Dumalo rito ang mga Division Chiefs, Section Heads, at Unit Heads ng SGADA upang palakasin ang kanilang kakayahan sa internal audit, risk management, at internal control mechanisms. Bahagi ng programa ang pagpapalalim ng kaalaman ng mga kalahok sa mga mekanismong magpapalakas sa transparency, accountability, at pagiging epektibo ng mga sistema at proseso ng ahensya.

Sa pamamagitan ng orientation na ito, higit pang pinagtibay ng SGADA ang institutional capacity ng mga opisyal at kawani sa pagpapatupad ng epektibong internal audit, risk management, at internal control mechanisms. Layunin din nitong mapaigting ang culture of accountability at matiyak na ang mga polisiya, proseso, at operasyon ng ahensya ay naaayon sa mga prinsipyo ng good governance, transparency, at mahusay na paggamit ng mga pampublikong yaman.

Sa kanyang talakayan, binigyang-diin ni Atty. Almansor A. Pendatun, unang Resource Speaker ng orientation, ang kahalagahan ng pagpapahusay at pagpapasimple ng mga proseso upang maging mas episyente ang operasyon ng ahensya nang hindi isinasakripisyo ang wastong mga pamamaraan.

Aniya, โ€œ๐˜Œ๐˜ง๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ช๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด, ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ธ ๐˜ธ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ต๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด, ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ค๐˜ถ๐˜ต๐˜ด.โ€

Samantala, ipinaliwanag ni Hamodi L. Tiboron, CPA, ikalawang Resource Speaker ng orientation, ang mahalagang papel ng internal audit bilang third line of defense sa isang organisasyon. Binigyang-diin din niya na ang pagsubaybay sa mga internal controls ay dapat magsilbing gabay para sa performance improvement at hindi hadlang sa mahusay na pagganap ng mga personnel.

"๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฅ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฉ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต, ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ด ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ญ."

Ibinahagi naman ni Hasmin K. Drus, Accountant III ng SGADA, na ang Internal Auditor ay may mahalagang tungkulin sa pagsusuri kung ang mga internal controls, proseso, at sistema ng isang organisasyon ay epektibo at sapat upang mapangalagaan ang mga resources, matugunan ang mga panganib, at mapanatili ang maayos na operasyon ng ahensya.

Binigyang-diin naman ni Dr. B**g B. Lumabao, Chief of the Internal Audit Division ng SGADA,

"๐˜›๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ด ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ท๐˜ฐ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ช๐˜ง๐˜บ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด, ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ด ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด. ๐˜ž๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฆ ๐˜๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ˆ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ท๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฆ๐˜น๐˜ค๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜บ ๐˜ง๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜š๐˜Ž๐˜ˆ๐˜‹๐˜ˆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ด ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜š๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜Ž๐˜ฆ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ค ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข. ๐˜›๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ช๐˜ง๐˜บ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ."

Sa kanyang mensahe, sinabi ni MP Mohammad Kelie U. Antao, Administrator ng SGADA:

"๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ. ๐˜๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ, ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช-๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜Ž๐˜ˆ๐˜‹๐˜ˆ. ๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข, ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜Ž๐˜ˆ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜Ž๐˜ˆ๐˜‹๐˜ˆ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ต๐˜ณ๐˜ถ๐˜จ๐˜จ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข-๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ."

Sa pamamagitan ng orientation na ito, muling pinagtibay ng SGADA ang pangako nitong isulong ang integridad, transparency, accountability, at kahusayan sa serbisyo publiko. Patuloy nitong pinalalakas ang mga mekanismong nagsusulong ng mahusay na pamamahala at Moral Governance upang makapaghatid ng mas episyente, responsable, at de-kalidad na serbisyo para sa mamamayan ng Special Geographic Area.









๐Œ๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹ ๐๐€ ๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐ˆ๐€๐ ๐๐ˆ ๐๐‘๐Ž๐๐„๐“๐€ ๐Œ๐”๐‡๐€๐Œ๐Œ๐€๐ƒ (๐’.๐€.๐–.), ๐๐ˆ๐๐ˆ๐†๐˜๐€๐๐†-๐ƒ๐ˆ๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐๐„๐€๐‚๐„ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐Ž๐‘๐€๐‹ ๐•๐€๐‹๐”๐„๐’ ๐‹๐„๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐๐† ๐’๐†๐€๐ƒ๐€Binigyang-p...
03/08/2026

๐Œ๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹ ๐๐€ ๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐ˆ๐€๐ ๐๐ˆ ๐๐‘๐Ž๐๐„๐“๐€ ๐Œ๐”๐‡๐€๐Œ๐Œ๐€๐ƒ (๐’.๐€.๐–.), ๐๐ˆ๐๐ˆ๐†๐˜๐€๐๐†-๐ƒ๐ˆ๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐๐„๐€๐‚๐„ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐Ž๐‘๐€๐‹ ๐•๐€๐‹๐”๐„๐’ ๐‹๐„๐‚๐“๐”๐‘๐„ ๐๐† ๐’๐†๐€๐ƒ๐€

Binigyang-pugay ang dakilang halimbawa ng ating mahal na Propeta Muhammad (S.A.W) sa isinagawang Peace and Moral Values Lecture Series ng Special Geographic Area Development Authority (SGADA), kung saan tinalakay ang paksang "The Noble Character of Prophet Muhammad (Peace Be Upon Him)."

Pinangunahan ni Sheikh Hassan Edris, Board of Director (BOD) at Faculty Member ng Kulliyatul Huffaz Al-Academiyyah at Dean ng College of Qur'an, ang makabuluhang talakayan na dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng SGADA bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kanilang moral at espirituwal na pundasyon.

Sa kanyang pagtalakay, ipinaalala ni Sheikh Hassan Edris na si Propeta Muhammad (S.A.W.) ang pinakamainam na huwaran ng sangkatauhan sa usapin ng pananampalataya, mabuting asal, at pakikitungo sa kapwa. Aniya, ang tunay na tagumpay ng isang Muslim ay makikita sa pagsunod sa kanyang Sunnah at sa pagsasabuhay ng kanyang mararangal na katangian.

Kabilang sa mga binigyang-diin sa talakayan ang pagiging matapat (Al-Ameen) ng Propeta Muhammad (S.A.W.), na naging dahilan upang pagkatiwalaan siya maging bago pa man siya tumanggap ng propesiya. Tinalakay rin ang kanyang kababaang-loob, kung saan sa kabila ng kanyang mataas na katayuan bilang Sugo ng Allah, nanatili siyang mapagpakumbaba, tumutulong sa kanyang pamilya, at namumuhay nang simple.

Binigyang-halaga rin ang kanyang awa at malasakit sa buong sangkatauhan. Ipinakita ng Propeta Muhammad (S.A.W.) ang walang kapantay na habag sa kanyang pamilya, mga kasamahan, maging sa mga taong tumututol at umaapi sa kanya. Ang kanyang kakayahang magpatawad at magpakita ng kabutihan kahit sa gitna ng pang-aapi ay nagsisilbing mahalagang aral para sa bawat Muslim.

Dagdag pa rito, tinalakay ang kanyang pagiging matiyaga (Sabr) at matatag na pagtitiwala sa Allah, lalo na sa panahon ng matitinding pagsubok. Sa kabila ng mga paghihirap na kanyang naranasan sa pagpapalaganap ng Islam, hindi siya nawalan ng pag-asa at patuloy na nagpakita ng kabutihan at malasakit sa kapwa.

Ipinaalala rin sa mga dumalo na ang pagmamahal kay Propeta Muhammad (S.A.W.) ay hindi lamang ipinapakita sa pamamagitan ng pagbigkas ng Salawat, kundi higit sa lahat sa pagsunod sa kanyang mga aral, paggaya sa kanyang marangal na pag-uugali, at pagsasabuhay ng kanyang Sunnah sa araw-araw.

Patuloy na isinasagawa ng SGADA ang Peace and Moral Values Lecture Series bilang bahagi ng adbokasiya nito sa pagpapalakas ng Moral Governance at pagpapaunlad ng espirituwal na buhay ng mga kawani. Layunin nitong mahubog ang mga lingkod-bayan na may matatag na pananampalataya, mataas na moralidad, at tunay na malasakit sa mamamayang.

Address

No. 19 Delcano Street, San Isidro Avenue RH X
Cotabato City
9600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SGADA - BARMM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share