26/09/2026
10 SILID ARALAN: ISANG MALAKING HAKBANG PARA SA LIKA NATIONAL HIGH SCHOOL👏👏
Hindi lamang ito simpleng renovation- ito ay paglikha nang mas maayos, mas komportable, at mas inspiradong lugar ng pagkatuto.👌👌
Sa bawat bagong ayos na silid-aralan, mas maraming pangarap ang nabibigyan nang mas magandang lugar upang lumago.
Taos-pusong pasasalamat po sa mga sumusunod:
📌3rd District Congresswoman- Hon. Maria Alana Samantha Taliño Santos sa inyong napakagandang regalo sa Lika National High School- ang 10 renovated na silid-aralan. Ang inyong pangalang SAM ay tunay na kumakatawan sa inyong puso:
S- Serbisyong tapat at totoo
A- Alay na pagmamahal sa aming
mga g**o at mag-aaral
M- Munting ngiti na nagbibigay
ng pag-asa at magandang
kinabukasan sa aming mga
mag-aaral.
Ang bawat silid na ito ay hindi lamang pader at bubong, kundi liwanag na nagbubukas ng pinto para sa aming mga pangarap. MARAMING SALAMAT po sa inyong malasakit! Kayo po ay tunay na bayani ng aming paaralan!!🥰👏👏
📌Provincial Government of Cotabato- sa pamumuno ni Gov. Emmylou "Lala" Taliño- Mendoza
📌SDO Cotabato-sa pamumuno ni Sir Romelito G. Flores, CESO V, nirepresenta ni SGOD Chief, Sir Julie Lumogdang
📌LGU Mlang-sa pamumuno ni Hon. Mayor Emmanuel "Doc Awing" Abonado, nirepresenta ni Hon. Albert Santos
📌BLGU Lika-sa pamumuno ni Hon. Nelson V. Peroy
📌PSDS ng Mlang North District- Madam Ludez T. Maglangit
📌Lika NHS PTA- sa pamumuno ni Hon. Orly R. Oriel
📌Hon. Ivy Dalumpines-Ballitoc
📌Hon. Reyman L. Saldivar
📌DPWH Engineers-nirepresenta ni Engr. Nassef Tabao
📌JRD Contractor-sa pamumuno ni Architect Raphael Buenaflor
Sa ngalan ng buong komunidad ng Lika National HS, sa pangunguna ng aming butihing Principal, Sir Sammy G. Deslate at supportive Assistant School Principal II, Sir Roy R. Redilla- taos puso po kaming NAGPAPASALAMAT sa inyong walang sawang pagmamalasakit at suporta sa DepEd RXII Lika National High School.
Sa ilalim ng matatag at masigasig na pamumuno ni Sir Sambong Deslate , nakita namin ang malaking pagbabago at pag-unlad sa aming mga silid-aralan. Mula sa mga dating nangangailangan ng atensyon, ngayon ay maaliwalas, maayos at handang-handa nang maging tahanan ng pagkatuto para sa aming mga mag-aaral!! MARAMING SALAMAT PO sa inyong walang hanggang pagtitiwala, pagsisikap at pagmamahal sa aming lahat!!!🙏🥰🫶
Sampung silid-aralan... Sampung bagong espasyo para sa pagkatuto... Isang mas magandang kinabukasan para sa bawat mag-aaral.♥️📖
PARA SA LIKA NATIONAL HIGH SCHOOL...PARA SA MGA MAG-AARAL...PARA SA KINABUKASAN🫶👌💪🙏🙏
We thank God for your lives!!!🙏🙏
To God all be the glory.🙏🙏
: InspiringExcellence:EmpoweringDreams