14/07/2026
🏫 SAFE SCHOOLS AND CAMPUS SECURITY ORDINANCE OF 2026 APRUBADO NA SA FIRST READING
Naaprubahan na sa Unang Pagbasa (First Reading) ng Sangguniang Panlungsod ng Cotabato City ang panukalang Cotabato City Safe Schools and Campus Security Ordinance of 2026, na pangunahing inakda ni Simpleng Konsehal Elyboy Midtimbang.
Layunin ng panukalang ordinansa na atasan ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Cotabato City na magpatupad ng mas pinaigting na mga hakbang sa seguridad upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at protektadong kapaligiran sa pag-aaral para sa mga mag-aaral, g**o, kawani ng paaralan, at mga bisita.
Sa pamamagitan ng panukalang ito, patuloy na isinusulong ni Simpleng Konsehal Elyboy Midtimbang ang mga makabuluhang batas na nagbibigay-priyoridad sa kaligtasan, proteksyon, at kapakanan ng bawat mag-aaral. Isa itong mahalagang hakbang tungo sa paglikha ng mas ligtas na mga paaralan at mas panatag na kinabukasan para sa bawat Cotabateño.
Serbisyong MaTimbang. Para sa mas ligtas na paaralan at mas panatag na kinabukasan ng bawat Cotabateño. 💚