KATHA Stories

KATHA Stories Real stories from people who influenced inspirations and positive transformations amidst diversity.

17/12/2023

๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—•๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿฑ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—ข๐——๐—œ๐—ก ๐—ฃ. ๐— ๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—œ

Mahigit limang taon na ang nakalilipas mula ng mangyari ang Marawi Siege na siyang pumukaw at bumago sa buhay ng mga mamamayan sa Marawi City. Ang trahedyang ito ay nagdulot ng napakalaking epekto sa kabuhayan at ekonomiya sa naturang lugar. Sa anumang sakuna, kalamidad, at giyera, dehado ang mamamayan lalo na ang mga nasa laylayang sektor ng lipunan tulad ng mga bata, manggagawa, magsasaka, at kababaihan.

Sa usaping rehabilitasyon, naniniwala si Jal na malaki ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan bilang ilaw ng tahanan kaya sila ang naging lakas at inspirasyon niya sa pagbuo ng mga programa patungol sa usaping kapayapaan. Nasaksihan ni Jal ang determinasyon ng bawat ina upang makabangon mula sa mapait na karanasan.

Alamin ang mga kwento at pagsisikap ng mga ina sa pamamagitan ng kanyang mga likhang sining at produkto upang matulungan maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga kapwa niyang Meranaw.

Samahan natin si Jalolodin sa kanyang makulay na sining na siyang magdadala ng panibagong pag-asa at liwanag sa bawat ina ng tahanan dahil naniniwala siya na ang kapayapaan ay laging nagsisimula sa loob ng ating mga tahanan.

Ipakita natin ang ating suporta para kay Bangsamoro Peace Champion 2023 Finalist, ๐™…๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‡๐™Š๐˜ฟ๐™„๐™‰ ๐™‹. ๐™ˆ๐™๐™Ž๐™๐˜ผ๐™๐™„ sa pamamagitan ng pag-like sa official page ng Ministry of Public Order and Safety at sa pag react, comment, at share ng video na ito.


17/12/2023

๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—•๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿฑ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—›๐—”๐—ฆ๐—ก๐—” ๐—ž๐—˜๐—ฆ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ

Isinusulong niya ang karapatan ng mga kababaihan na naging biktima ng gender-based violence sa kanilang komunidad, hinihikayat nya rin ang kabataan na makilahok sa mga aktibidades kaugnay ang kapayapaan tungo sa maunlad na kinabukasan.

Samahan natin si Hasna at nang ating masaksihan ang kanyang inisiyatiba at mga proyekto na Project Women Empowerment in Maguindanao, Project YOUth Matters at Transformative Training para sa mga Bangsamoro Women Auxiliary Brigade (BWAB).

Panoorin natin ang buong kwento ni Hasna, mga kwento ng pag-asa, pangarap, at pagbabago para sa mga kababaihan at kabataang Moro.

Ipakita natin ang ating suporta para kay Bangsamoro Peace Champion 2023 Finalist, ๐™ƒ๐˜ผ๐™Ž๐™‰๐˜ผ ๐™†๐™€๐™Ž๐™Š๐™‰ ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‹ sa pamamagitan ng pag-like sa official page ng Ministry of Public Order and Safety, pag-react, comment, at share ng video na ito.


17/12/2023

๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—•๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿฑ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—๐—”๐—œ๐—ก๐—”๐—• ๐—”๐—Ÿ๐—™๐—”๐—— ๐—”๐—•๐——๐—จ๐—Ÿ๐— ๐—”๐—๐—œ๐——

Ang pagtulong sa pagkamit ng kapayapaan sa Sulu ay nangangailangan ng tapang at kagandahang-loob. Likas na kay Jainab ang pagtulong sa mga nangangailan sa abot ng kanyang makakaya.

Ibinuhos ni Jainab ang kanyang oras at panahon upang lubos na maunawaan ang sitwasyon sa lugar na kanyang nasasakupan para maibahagi ang mga tulong na angkop sa kanilang mga pangangailangan.

Ang peacebuilding ay isang tuloy-tuloy na proseso, lalo na sa isang lugar na malalim ang sugat dala ng matinding kaguluhan. Ito ay naging inspirasyon ni Jainab upang ipagpatuloy ang makabuluhan at boluntaryong mga gawaing pangkapayapaan sa loob ng tatlong dekada.

Bilang isang ina, hangad ng BPC 2023 Finalist na ito na magkaroon ng maganda, mapayapa at maunlad na kinabukasan ang bawat batang Bangsamoro. Samahan natin si Jainab sa kanyang kwento ng pagbabago at pag-asa.

Ipakita natin ang ating suporta para kay Bangsamoro Peace Champion 2023 Finalist, ๐™…๐˜ผ๐™„๐™‰๐˜ผ๐˜ฝ ๐˜ผ๐™‡๐™๐˜ผ๐˜ฟ ๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ฟ๐™๐™‡๐™ˆ๐˜ผ๐™…๐™„๐˜ฟ sa pamamagitan ng pag-like sa official page ng Ministry of Public Order and Safety at sa pag react, comment, at share ng video na ito.


17/12/2023

๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—•๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿฑ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—›๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐— ๐—œ๐——๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š๐—›

Si Norhamin ay lumaki sa Brgy. Dapiawan, Datu Saudi, Maguindanao Del Sur, sa loob ng SPMS Box Community, na may kaliwaโ€™t kanan na mga suliranin na kinakaharap katulad ng, bakbakan, kahirapan, at iba pang mga problema. Ito ang nagsilbing inspirasyon ni Norhamin na magpursige at magsagawa ng peacebuilding initiative para sa kabataan sa kanilang komunidad.

Ang English Literacy in Markadz (ELM) ay isa sa kanyang adbokasiya sa Barangay Pamalian, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao Del Sur sa SPMS Box Community upang mabigyan pansin at matulungan ang mga kabataan na nasa Markadz kung saan ang ibang kabataan ay mga ulila o biktima ng kahirapan at kawalan ng oportunidad dulot ng kaguluhan.

Naniniwala si Norhamin na karapatan ng bawat batang Bangsamoro ang matuto, makapag-aral, magkaroon ng kalidad na edukasyon, at mamuhay ng tahimik na malayo sa kaguluhan at karahasan.

Samahan natin si Norhamin sa kanyang kwento at alamin ang kahalagahan at kontribusyon ng kabataan sa pagkamit ng isang ligtas at mapayapang Bangsamoro.

Ipakita natin ang ating suporta para kay Bangsamoro Peace Champion 2023 Finalist, ๐™‰๐™Š๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™ˆ๐™„๐™‰ ๐™†๐˜ผ๐™ˆ๐™„๐˜ฟ๐™Š๐™‰ ๐™Ž๐™„๐™‰๐™‚๐™ƒ sa pamamagitan ng pag-like sa official page ng Ministry of Public Order and Safety at sa pag react, comment, at share ng video na ito.


17/12/2023

๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐—•๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿฑ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ง๐— ๐—” ๐— . ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”

Mahalagang magkaroon tayo ng malaliman at malawakang pang-unawa kung sino at ano ang Bangsamoro, kasama na rito ang mga hirap at pinagdaanan ng ating mga ninuno bago natin nakamit ang ating tinatamasang pagbabago. Isinusulong niya ang pagkakaroon ng wastong kaalaman at binibigyang-diin niya ang importansya ng tungkulin ng bawat isa patungkol sa Peace Process.

Bilang isang Kabataang Bangsamoro, mahalagang makilahok tayo sa mga makabuluhang gawaing pangkapayapaan. Tayo ay, maki-isa, makibahagi, at maging katuwang sa pagbabago.

Samahan natin si Mahatma sa kanyang panawagan na magkaisa at magtulungan na gawin ang lahat ng ating makakaya upang makamit ang kapayapaang ating inaasam para sa Bangsamoro.

Ipakita natin ang ating suporta para kay Bangsamoro Peace Champion 2023 Finalist, ๐™ˆ๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™๐™ˆ๐˜ผ ๐™ˆ. ๐™Ž๐˜ผ๐™‰๐™‚๐˜ผ๐˜พ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ sa pamamagitan ng pag-like sa official page ng Ministry of Public Order and Safety at sa pag react, comment, at share ng video na ito.


17/10/2023
17/10/2023
17/10/2023

๐“’๐“ธ๐“ท๐“ฐ๐“ป๐“ช๐“ฝ๐“พ๐“ต๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“ธ๐“ท๐“ผ to Kakaw Meranaw for winning AVPA Paris 2023-Medalle Gourmey Cholocalate origin.

The Agency for the Valorization of Agricultural Products, AVPA, is a non-governmental, non-profit organization, mainly composed of producers and taste enthusiasts. The association's goal is to enhance the value of agricultural products and to recognize the excellence of certain producers too often forgotten in the midst of mass marketing.

https://en.avpa.fr/_files/ugd/58172f_18fca5b92d4543a49d11ce87459395e5.pdf?fbclid=IwAR3fVpHYllXxLGmaUAnXwS8Clv5CNt9jIFfTFTAIjJOVHL64ID7vh-TRkh4

17/10/2023

GREETINGS | Happy WORLD TEACHERS' DAY, especially to our current MVP Volunteer teachers and Alumni!

We thank you for your dedication to going beyond the classroom to connect with the Madaris community and build lasting relationships with the people. You, MVP Volunteer teachers are also not afraid to step outside of your comfort zones, build bridges with the community, and strive to make your classrooms zones of peace.

On this World Teachers' Day, we celebrate your commitment as agents of change by educating and inspiring the Bangsamoro learners.





EID MUBARAK!! May Allah flood your life with happiness, your heart with love, your mind with wisdom. Wishing you a cery ...
22/04/2023

EID MUBARAK!!

May Allah flood your life with happiness, your heart with love, your mind with wisdom.

Wishing you a cery Happy Eid ๐Ÿ˜Š

BEAUTIFUL DUA FOR THE LAST 10 DAYS OF RAMADHANThe translation of this dua in english is, "O Allah, You are the pardoner,...
11/04/2023

BEAUTIFUL DUA FOR THE LAST 10 DAYS OF RAMADHAN

The translation of this dua in english is, "O Allah, You are the pardoner, the generous and you love forgiveness, so forgive us"

It was narrated from 'Aisha that she said: "O Messenger of Allah, what do you think I should say in my supplication, if I come upon Laylatul-Qadr?"

He said: "Say: Allahumma innaka 'afuwwun tuhibbul-'afwa, fa'fu 'anni (O Allah, You are Forgiving and love forgiveness, so forgive me).'

Address

Cotabato
Cotabato City
9600

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm

Telephone

+639755071651

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KATHA Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to KATHA Stories:

Share