13/09/2024
TANONG NI KA-PALAY: Bakit 40kg na binhi sa isang ektarya ang ipinamamahagi ng RCEF Seed Program?
Bakit nga ba 40kg? Ayon sa pag-aaral ng DA-PhilRice, sapat na ang 40kg sa isang ektarya.
๐พKung certified seeds, nasa 1.6 milyon ang butil sa 40kg
๐พAng kailangan lang sa isang ektarya ay 750,000 butil
๐พMay tatlong puno ng punla na itutusok kada tundos
๐พPag sumobra sa tatlong punla, makapal na masyado ang isang kumpol
๐พKung 85% ang germination rate ng certified seeds, nasa 1.3 milyon ang tutubo. Ibig sabihin may pasobra pa na 600,000 na butil na panghulip o pamalit kung sakali.
๐พKapag siksikan ang palay, agawan sila sa pataba at sinag ng araw. Ang resulta, maikli ang uhay, kakapiranggot ang butil, kaya mahina din ang ani. Importante na gumamit ng tamang dami ng binhi at punla para tumaas ang ani at makatipid sa gastos.