24/07/2026
BREAKING NEWS | LEBRON JAMES, KINUMPIRMANG SASALI SA PHILADELPHIA 76ERS PARA SA HULING YUGTO NG KANIYANG KARERA
Sa isang emosyonal na pahayag na ibinahagi sa kanyang opisyal na Facebook account, kinumpirma ni NBA superstar LeBron James na sasali siya sa Philadelphia 76ers, kasabay ng pagsasabing ito na ang huling malaking kabanata ng kanyang makasaysayang karera.
Ayon kay James, matapos ang mahabang panahon ng pagninilay-nilay kasunod ng pagtatapos ng nakaraang season, napagtanto niyang nananatili pa rin ang kanyang pagmamahal sa basketball.
βI still truly love this game, and I have more to give.β
Iginiit din niya na ang kanyang naging pasya ay hindi dahil sa pera o pamilya, kundi dahil nananatili ang kanyang pagnanais na magsakripisyo, magsumikap, makipagkumpitensya, at magkaroon ng pagkakataong manalo ng isa pang kampeonato.
Naniniwala rin si James na makatutulong siya upang maging isang championship contender ang Philadelphia 76ers.
Binigyang-pugay rin niya ang kanyang naging tahanan sa Los Angeles, ipinahayag ang kanyang walang hanggang pagmamahal sa Miami, at sinabing mananatiling tahanan niya ang Northeast Ohio.