29/06/2025
FAREWELL MESSAGE of COUNCILOR HUNYN C. ABU
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Ngayong pormal nang nagtatapos ang aking termino bilang Konsehal ng Cotabato City, gusto ko lang huminga saglit at magpasalamat.
Tatlong taon akong pinagkatiwalaan na maging boses ng bawat Cotabateรฑo sa loob ng Konseho. Tatlong taon kong dinala ang mga kwento, ang mga hinaing at ang mga pangarap. Hindi lahat ng araw ay magaan. Pero bawat araw ay may saysay, Dahil alam ko na para ito sa inyo.
Isa sa mga proyektong pinaka-malapit sa puso ko ay ang Senior Coffeezen Foodtruck. Hindi lang ito tungkol sa pagkainโito ay tungkol sa presensya. Sa pagpaparamdam sa bawat loloโt lola, bata, nanay at tatay, at sa lahat na may gobyernong lumalapit, nakikinig, at may dalang malasakit. Simpleng proyekto, pero libo-libo ang naabot. At sa puso ko, milyon-milyong alaala ang iniwan.
Bilang Konsehal, sinikap kong maging makabuluhan ang bawat boto sa akin, bawat tanong ko sa sesyon, at bawat ordinansang isinulat ko. Hindi para sa pansariling pangalan, kundi para sa kapakinabangan ng mas marami.
Hindi po ako perpekto. Pero mula umpisa, sinabi ko sa sarili ko: โKung hindi man ako pinakamagaling, sana ako ang isa sa pinakaramdam.โ
Sa bawat empleyado ng City Government, sa mga nakatrabaho ko, at sa mga sektor na palaging nagpapaalala kung para kanino itoโmga kababaihan, solo parents, ALS teachers, kabataan, madrasah learners, mga bata sa orphanage, daycare workers, senior citizens at PWDsโmaraming salamat.
Ngayong huminto man pansamantala ang opisyal na tungkulin, hindi ibig sabihin titigil ang puso sa paglilingkod. Dahil ang malasakit para sa bawat Cotabateรฑo at buong Cotabato City ay dala ko pa rin.
Sa mga bagong halal, dalangin ko ang inyong tagumpay. Sana sa bawat boto at pasya, marinig at maramdaman kayo ng taumbayan.
At sa bawat Cotabateรฑo na naging bahagi ng tatlong taon kong paglilingkodโmaraming, maraming salamat.
Hindi ito paalam. Isa lang itong maikling โhanggang sa muli.โ Mahal ko po kayong lahat.
Wassalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.