Cotabato City Government

Cotabato City Government Welcome to the Official page of the Cotabato City Government.

MAS MALINIS AT MAAYOS NA LUNGSOD, ADHIKAIN SA ISINAGAWANG CLEARING OPERATION SA DOWNTOWN AREA COTABATO CITY - Magkakasam...
18/08/2026

MAS MALINIS AT MAAYOS NA LUNGSOD, ADHIKAIN SA ISINAGAWANG CLEARING OPERATION SA DOWNTOWN AREA

COTABATO CITY - Magkakasama ang City Transport and Traffic Management Center (CTTMC) at City Public Safety Office (CPSO) katuwang ang Security Enforcement Agencies sa pagsasagawa ng patuloy na clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Lungsod ng Cotabato.

Sakop ng clearing operation ngayong araw, ika-18 sa buwan ng Agosto, ang mga lansangan sa Barangay Poblacion 5 at Barangay Poblacion 6. Hindi rin pinaglagpas ang mga kalsada sa Mega Market ng lungsod.

Parte ito ng kasalukuyang adhikain ng administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao na magkaroon ng mas organisado, mas disiplinado at mas ligtas na Cotabato City para sa lahat!


PAGTAAS SA PRESYO NG PETROLYO, NAITALA SA ILANG GASOLINAHAN SA COTABATO CITY NGAYONG AUGUST 18, 2026Ayon sa datos, nakap...
18/08/2026

PAGTAAS SA PRESYO NG PETROLYO, NAITALA SA ILANG GASOLINAHAN SA COTABATO CITY NGAYONG AUGUST 18, 2026

Ayon sa datos, nakapagtala ng pagtaas sa presyo ng Diesel, Regular, at Premium gasoline sa karamihan ng mga istasyon kumpara sa huling monitoring.

Ang APEX gas station ang nagtala ng pinakamataas na presyo sa lahat ng produkto matapos magpatupad ng malaking dagdag-presyo. Ang kanilang Diesel Power ay nasa ₱91.33 (taas ng ₱5.80), Regular sa ₱78.43 (taas ng ₱5.00), at Premium sa ₱79.33 (taas ng ₱5.00).

Sumunod dito ang EL DEPOT na may Diesel sa presyong ₱89.80 (taas ng ₱3.81). Ang kanilang Regular ay nasa ₱78.60 at Premium sa ₱79.60. Pareho rin ang presyo ng Regular at Premium sa mga sangay ng SHELL (sa tapat ng PP2 at sa Pansacala), kung saan ang Diesel nila ay nasa ₱89.80 din (taas ng ₱3.90).

Ang mga sangay naman ng PETRON sa Malibacao at sa kanto ng San Isidro ay nag-aalok ng Diesel sa presyong ₱88.00 (taas ng ₱3.90), samantalang ang Regular ay nasa ₱77.10 at Premium sa ₱78.10.

Sa kabilang banda, ang PHOENIX (kanto ng Bormaheco) ang may pinakamababang presyo para sa Diesel sa halagang ₱87.00 (taas ng ₱3.90). Ang kanilang Regular ay ₱76.10 at Premium ay ₱77.10.

Samantala, tanging ang SEA OIL (Sinsuat Ave.) ang nagpatupad ng rollback o bawas-presyo sa lahat ng kanilang produkto. Ang kanilang Diesel ay nasa ₱87.94 (bawas ₱0.96), Regular sa ₱77.08 (bawas ₱0.81), at Premium sa ₱78.09 (bawas ₱0.81).


18/08/2026
18/08/2026

56th Regular Session of the 18th Sangguniang Panlungsod of Cotabato City, Session Hall, People's Palace, Cotabato City, August 18, 2026.

KABATAAN SA COTABATO CITY NAGTAGISAN SA EXTEMPORANEOUS SPEECH AT SPOKEN WORD POETRY CONTESTCOTABATO CITY - Nagpakitang-g...
17/08/2026

KABATAAN SA COTABATO CITY NAGTAGISAN SA EXTEMPORANEOUS SPEECH AT SPOKEN WORD POETRY CONTEST

COTABATO CITY - Nagpakitang-gilas ang mga kabataan ng Lungsod ng Cotabato sa kanilang husay sa Dagliang Talumpati (Extemporaneous Speech) at Tula ng Pasalaysay (Spoken Poetry) kasabay ng pagdaraos ng Linggo ng Kabataan para sa taong 2026.

Para sa Dagliang Talumpati, naglaban laban sina Datuali Kendugen Lamalan, Bai Juwairiyah K. Mamadra, Jalilah Ibrahim Dima, Prince Naif P. Sambilan, Datu Norhanudin Raguia Mustapha, Ashlea Dimasimpan Ebrahim, Julien Cliff D. Acuril, Yasser S. Tatak at George Ashley B. Dagamac.

Para naman sa Tula ng Pasalaysay, nagtapatan sina Norhaima Guiahar Mamko, Salem Al-Hafidz H. Balitung, Summaya Abdila Labungan, Rj U. Edon, Lyndel Ian D. Pasco, Strong Tan, Nacima Tomawan Sinangan, Yalene Anya Nuñez, Maziyah L. Kome at Warex Mukatil.

Ayon naman kay Local Youth Development Officer Ms. Farina Mae Guiani, ang programang ito ay mahalaga dahil nabibigyan ng espasyo ang kabataan na maipakita ang kanilang kahusayan at kanilang maramdaman na sila ay sinusuportahan at pinahahalagahan.

Nagpapasalamat din ito sa walang-sawang pagsuporta ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao sa mga programang para sa kabataan ng lungsod. Nakatakda namang parangalan ang mahuhusay na mga kabataan sa isasagawang programang pangwakas (culmination program) sa Palasyo ng Masa, bukas, ika-18 sa buwan ng Agosto, taong kasalukuyan.


17/08/2026

LIVE | MONDAY CONVOCATION PROGRAM

AUGUST 17, 2026 | PEOPLE'S PALACE LOBBY, COTABATO CITY




- FB ADMIN

DELEGADO NG 18TH REGIONAL TRAVEL FAIR, INILIBOT SA MGA SIKAT NA PASYALAN NG COTABATO CITY SA ISINAGAWANG PRE-TOURCOTABAT...
16/08/2026

DELEGADO NG 18TH REGIONAL TRAVEL FAIR, INILIBOT SA MGA SIKAT NA PASYALAN NG COTABATO CITY SA ISINAGAWANG PRE-TOUR

COTABATO CITY — Binisita ng mga delegado, travel buyers, at exhibitors ng 18th Regional Travel Fair (RTF) ang iba't ibang makasaysayang pasyalan sa lungsod na ito sa ginanap na pre-tour noong Agosto 13, bilang paunang aktibidad sa opisyal na pagbubukas ng pambansang pagtitipon sa turismo.

Matapos ang kanilang pagdating at registration sa Alnor Hotel and Convention Center, agad na inilunsad ang tour upang ipakita sa mga bisita ang mayayamang kultura, sining, at arkitektura ng Cotabato City.

Kabilang sa mga pangunahing destinasyong pinuntahan ng mga kalahok ang Bangsamoro Museum, kung saan itinampok ang kasaysayan at pamana ng rehiyon; ang Barter Trade, na nagpakita ng mga lokal na produkto; at ang sikat na Sultan Haji Hassanal Bolkiah Masjid o Grand Mosque.

Nagtapos ang pag-ikot ng mga delegado sa isang pormal na hapunan sa Rajah Bantugan Heritage Café and Restaurant sa Timako Hills bago isagawa ang mga nakatakdang Business-to-Business (B2B) networking sessions at iba pang aktibidad ng travel fair sa mga susunod na araw.


Address

People's Palace
Cotabato City
9600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cotabato City Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share