Market & Slaughterhouse Matalam

Market & Slaughterhouse Matalam GOVERNMENT OFFICE
(1)

22/05/2026

Mayo 22, 2026, may naiulat sa pamamagitan ng Facebook post tungkol sa umano’y nabentang karneng baboy na may uod mula sa isang stall vendor sa Matalam Market. Ayon sa nag-post na taga-Mlang, ang naturang karne ay nabili noong Mayo 19, 2026 bandang 3:00 PM, at detalyado niyang ibinahagi ang oras at mismong pwesto kung saan ito nabili.

Batay sa isinagawang paunang imbestigasyon at mga komento, lumalabas na naluto na umano ang naturang karne bago napansin ang kondisyon nito.

Sa kasalukuyan, magsasagawa pa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang buong katotohanan ng insidente. Kapag napatunayang may paglabag, maaaring ipataw ang kaukulang aksyon kabilang ang isang linggong suspensyon ng market stall sa pagdi-display o pagbebenta ng karne. Magpapatupad din ng kinakailangang corrective actions upang masiguro ang kalinisan, kalidad, at kaligtasan ng mga produktong ibinebenta sa palengke.

Ang Market Office ay matatagpuan sa Food Court Building.
Para sa anumang reklamo o concerns, maaari po kayong lumapit sa aming opisina o tumawag sa numerong 0950-335-7150.

Maraming salamat po.

22/05/2026

**Incident Report Statement**

Kami po ay kasalukuyang gumagawa ng incident report kaugnay sa karne na naipost. Bilang Market Supervisor, gagawin po namin ang lahat ng kinakailangang aksyon upang malaman kung sino ang nagtitinda at kung saang pwesto ito nanggaling. Makikipag-ugnayan din po kami sa ating Meat Inspector upang mabigyang-linaw ang nangyaring insidente at maisagawa ang kaukulang imbestigasyon.

Maraming salamat po

Address

POBLACION MATALAM
Cotabato City
9406

Telephone

+639503357150

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Market & Slaughterhouse Matalam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Market & Slaughterhouse Matalam:

Shortcuts

Share