26/08/2026
PUBLIC ADVISORY | FAKE ACCOUNT ALERT
Nais pong ipaalam sa publiko na ang Facebook account na gumagamit ng pangalan at larawan ni Chairman Muslimin G. Sema ay HINDI opisyal at HINDI awtorisadong account ni Chairman Sema.
May mga ulat na ginagamit ang nasabing account upang manghingi o mag-solicit ng pera, cash assistance, goods, o iba pang bagay. We strongly caution everyone: huwag maniwala, huwag magpadala ng pera, at huwag magbigay ng personal o financial information sa account na ito.
Ang Bangsamoro Party (BaPa) ay naninindigan sa integridad, katapatan, pananagutan, at tunay na serbisyo sa Bangsamoro people. Ang paggamit sa pangalan ng ating mga lider upang manlinlang o pagsamantalahan ang tiwala ng publiko ay malinaw na taliwas sa mga pagpapahalagang ito.
Hangad natin ang isang mas malinis, tapat, at mapayapang halalan, kung kaya huwag tayong bumigay sa mga taong nananamantala sa pangalan ng mga lider, sa tiwala ng publiko, at sa panahon ng eleksyon para sa pansariling interes.
Please REPORT and BLOCK the fake account, and verify information only through the official channels of Chairman Sema and the Bangsamoro Party.
Mag-ingat. Maging mapanuri. Huwag magpaloko at huwag magpagamit.