24/04/2026
๐๐ ๐ ๐๐๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐จ๐ง, ๐๐๐ฌ ๐๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ค ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง
BULDON, Maguindanao del Norte โ Matagumpay na naidaos ng BHRC-MDNPO ang Human Rights Education on Childrenโs Rights para sa mga bata noong Abril 23, 2026 sa Brgy. Mataya, Buldon, Maguindanao del Norte, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng ahensya na mapalakas ang kamalayan ng komunidad sa karapatang pantao at maprotektahan ang kapakanan ng mga bata sa lokal na antas.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga bata hinggil sa kanilang mga pangunahing karapatan. Pinangunahan ang talakayan ni Special Investigator Hayyah Fauziah Baraguir, na nagbigay ng lecture sa sampung (10) pangunahing karapatan ng mga bata, tulad ng karapatan sa edukasyon, karapatan sa proteksyon, karapatang makapaglaro, at iba pang mahahalagang karapatan na sumusuporta sa kanilang pag-unlad at dignidad.
Sa isinagawang talakayan, ipinaliwanag sa mga bata ang kanilang mga karapatan sa paraang madaling maunawaan at angkop sa kanilang edad. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagkilala sa sarili nilang karapatan upang sila ay maging mas mulat, ligtas, at may kumpiyansa sa pakikisalamuha sa kanilang komunidad.
Bukod sa lecture, naging masigla at makabuluhan ang aktibidad sa pamamagitan ng ibaโt ibang palaro na labis na ikinatuwa ng mga bata. Ang mga kalahok ay nakatanggap ng mga papremyo, tokens, at pagkain bilang bahagi ng programa, na lalong nagpasaya at nag-engganyo sa kanilang aktibong partisipasyon.
Ipinakita ng aktibidad na ang edukasyon sa karapatang pantao ay hindi lamang para sa mga nakatatanda, kundi mahalaga ring maipabatid sa mga bata upang maaga pa lamang ay nahuhubog na ang kanilang kamalayan at pagpapahalaga sa kanilang sariling karapatan.
Patuloy ang BHRC-MDNPO sa pagsasagawa ng mga programang naglalayong itaguyod ang karapatang pantao, lalo na para sa mga bata, at palakasin ang kamalayan ng komunidad tungo sa isang ligtas at makataong lipunan.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง, ๐๐ข๐ ๐ง๐ข๐๐๐, ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ค๐๐ง๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ญ๐.