08/10/2026
𝐑𝐎𝐔𝐍𝐃 𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐂𝐔𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐃𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐀 𝐊𝐎𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎
October 7, 2026
📍Kadayangan Municipal Session Hall
KADAYANGAN, SGA-BARMM — Sa pamumuno ni Mayor Duma M. Mascud, isinagawa ang Round Table Discussion (RTD) na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Local Government Unit (LGU), Barangay Local Government Units (BLGUs), Civil Society Organizations (CSOs), at iba’t ibang partner agencies upang talakayin ang mahahalagang isyu, pangangailangan, at mga hakbang para sa patuloy na pagpapaunlad, seguridad, at kapakanan ng mga mamamayan ng Kadayangan.
Naging mahalagang venue ang nasabing talakayan para sa pagbabahagi ng mga programa, serbisyo, at inisyatiba ng bawat ahensya at organisasyon. Tinalakay rin ang mga hamon na kinakaharap ng iba’t ibang sektor, gayundin ang mga posibleng solusyon at hakbang upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.
Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Municipal Local Government Unit (MLGU), Barangay Local Government Units (BLGUs), Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), Ministry of Trade, Investments and Tourism (MTIT), Municipal Peace and Order and Public Safety (MPOS), Civil Society Organizations (CSOs), at Cooperative (COOP).
Kabilang sa mga pangunahing isyung tinalakay ang Business Permit and Requirements, access sa mga programa at serbisyo ng MAFAR, RSBSA Registration and Geotagging, access sa agricultural assistance para sa mga indibidwal na magsasaka, mga paghahanda kaugnay ng posibleng epekto ng Super El Niño, tree planting at iba pang environmental activities, access sa malinis at ligtas na inuming tubig, at capacity building para sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).
Sa pamamagitan ng RTD, nabigyang-daan ang mas malawak na dialogue, information sharing, coordination, at collaborative problem-solving sa pagitan ng LGU, BLGUs, CSOs, partner agencies, at iba pang stakeholders. Layunin nitong matiyak na ang mga programa at hakbang na isinasagawa ay mas nakabatay sa aktuwal na pangangailangan ng mga mamamayan at komunidad.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang LGU Kadayangan, sa pamumuno ni Mayor Duma M. Mascud, sa ACTED para sa patuloy na paggabay, suporta, at pagbabahagi ng kaalaman at mga makabuluhang inisyatiba para sa kapakanan at kaunlaran ng mga mamamayan ng Kadayangan.
Ang naturang aktibidad ay patunay sa kahalagahan ng multi-stakeholder collaboration sa pagsusulong ng isang ligtas, maayos, matatag, at empowered na komunidad.
|MUNICIPAL INFORMATION OFFICE