16/05/2026
๐ฅ๐ฃ๐๐ข-๐๐๐ฅ๐ ๐ ๐-๐ฃ๐๐๐ก ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฒ๐ป๐, ๐ก๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฉ๐ฎ๐น๐๐ฒ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐ป๐ฎ๐น๐๐๐ถ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ป๐ฑ๐๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ถ๐
Pinangunahan ng I-PLAN Component ng Regional Project Coordination Office sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (RPCO-BARMM) ang isang dalawang araw na online data gathering activity noong Mayo 12โ13, 2026 bilang bahagi ng Study on the Formulation of the National Value Chain Analysis for Yellow and White Corn. Isinasagawa ito ng Development Academy of the Philippines (DAP) sa ilalim ng Department of AgricultureโPhilippine Rural Development Project (DA-PRDP) upang makabuo ng komprehensibo at maka-ebidensyang pagsusuri sa value chain ng dilaw at puting mais sa bansa.
Layunin ng pag-aaral na matukoy ang mga pangunahing hamon at oportunidad sa produksyon, pagpoproseso, marketing, at pamamahala ng industriya ng mais. Mula sa mga datos na makakalap, inaasahang mabubuo ang mga rekomendasyong magsisilbing gabay sa pagbalangkas ng mga polisiya, programa, at pamumuhunan upang higit pang mapalakas ang sektor ng mais sa Pilipinas.
Bilang kinatawan ng BARMM, pinagsama-sama ng RPCO-BARMM ang ibaโt ibang stakeholder mula sa sektor ng mais, kabilang ang mga supplier ng binhi at abono, processors, traders, retailers, kooperatiba, mga kinatawan ng pamahalaan, institutional buyers, at mga eksperto mula sa akademya.
Sa pamamagitan ng Focus Group Discussions (FGDs) at Key Informant Interviews (KIIs), ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang mga karanasan, obserbasyon, at mungkahi hinggil sa produksyon, pagproseso, kalakalan, at mga suliraning kinakaharap ng industriya. Tinalakay rin ang ugnayan ng bawat aktor sa value chain upang higit na maunawaan ang daloy ng mais mula sa bukid hanggang sa merkado.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nabibigyang boses ang mga magsasaka, kooperatiba, at iba pang stakeholder ng BARMM upang maiparating ang kanilang aktuwal na kalagayan, pangangailangan, at rekomendasyon. Ang mga datos at pananaw na nakalap ay magsisilbing mahalagang batayan sa pagbuo ng mga programang tutugon sa mga bottleneck sa produksyon at marketing ng mais.
Para sa BARMM, inaasahang magbubukas ito ng mas maraming oportunidad para sa modernisasyon ng pagsasaka, pagpapalakas ng market linkages, at pagtaas ng kita ng mga lokal na corn farmers at agribusiness stakeholders. Makakatulong din ito upang matukoy ang mga imprastraktura at suportang kinakailangan upang higit pang mapaunlad ang industriya ng mais sa rehiyon.
Sa pambansang antas, ang pag-aaral na ito ay inaasahang mag-aambag sa pagbuo ng mas epektibong mga polisiya at estratehiya para sa sektor ng mais. Sa huli, makatutulong ito sa pagpapataas ng produktibidad, pagpapalawak ng access sa merkado, pagpapatatag ng food security, at pagpapabuti ng kabuhayan ng libu-libong pamilyang Pilipino na umaasa sa agrikultura.
-BARMM